Still Erhianna PoV
"Love," pagtawag niyang muli para mapakagat ako nang palihim sa aking labi.
"Ashoo! Pahard to get pa si Ate. Aba! limang taon din kayong LDR, yakapin muna Ate. Pabebe pa e!" Nang aasar na saad ni Trisha para samaan ko siya nang tingin pero nginitian niya lang ako nang malapad.
Hmmmm.... Mapangasar ka ah. Kapag ako nakabawi at nakaganti sa iyo. Ihanda mo na sarili mo. Alam ko ang kahinaan mo.
Dahan-dahan naman siyang naglalakad na papalapit sa akin pero hindi man lang ako gumawa nang kahit na ano. Tahimik lang ako habang nakipagtitigan sa kaniya habang naglalakad siya papalapit sa akin at karga si Ruwan.
Ang batang 'to. Hindi man lang nagsasabi sa akin nang kahit na ano. Aba! Talaga naman.
Sa kaniya dumako ang aking mga paningin. Nakatitig lang siya sa akin kaya naman tinaliman ko siya nang tingin pero pinapalaki at pinapalit niya lang ang kaniyang mga mata na nang aasar pa.
Humanda ka sa aking bata ka. Kaunti nalang ang aming distansiya at sa kaniya muling akong napatitig.
"Lo-"
"Bakit bumalik ka pa?" Inunahan kona agad siya.
Naging walang emosyon ang kaniyang mukha dahil sa aking tinanong.
"Bakit nagpakita ka pa? Bakit bumalik ka pa? Para saan? Masaya na ako Aldrin. Para saan at nagpakita ka pa? 'Di ba halos isang taon ka nang walang paramdam sa akin 'di ba? Bakit nandito ka? Parang walang nangyari kung makaasta ka." sunod-sunod na tanong ko.
Halo halong emosyon ang nararamdaman ko sa kaniya at hindi naman ako magiging ganito sa kaniya kung wala akong matinding rason at dahilan para mainis at magalit sa kaniya.
Almost five years inintay ko siya at halos isang taon siyang walang paramdam. Ngayon naman nandito siya sa harapan ko, namin nang parang walang nangyari.
"So, answer me. Why are you here?" walang emosyon na tanong ko sa kaniya.
"I'm here because of you." Mapakla naman akong natawa at napailing sa sagot niya.
"Bakit? Para saan pa?"
"Are you mad?"
"Gago ka pala e," agad na saad ko sa kaniya at kita ko ang gulat nya sa kaniyang mukha, at kahit hindi ko man nakikita ang exspresyon nang kanilang mukha alam kong nagulat din sila. Alam kong nararamdaman na nila ang tensyon sa pagitan naming dalawa.
"Love,"
"Gago. Babalik ka nang parang walang nangyari." Napakuyom ako nang kamao habang matalim na nakatingin sa kaniya.
Nakatitig lang din siya sa akin.
"I'm he-" Hindi ko na siya pinatapos sa pagsasalita dahil sinampal ko siya sa kaliwang pisnge niya at bahagya namang tumagilid ang kaniyang mukha.
Rinig ko ang pagsinghapan nila at ako naman kuyom na kuyom na ang aking mga kamao dahil sa inis at galit ko sakaniya.
Anlakas niyang magsabi nang gano'n.
Tarantado pala siya e.
"Umalis ka na." Madiin na saad ko sakaniya at napabuntong hininga naman siya.
"Hindi na kita iiwan kaya hindi ako aalis kahit na sapakin at sampalin mo pa ako o kaya naman pagtabuyan mo pa ako." Humakbang sya nang isa papalapit sa akin.

YOU ARE READING
Gangster Mission (Season 2) (Completed)
Misterio / SuspensoThey past are they hate so much. They want to forget it. But how can they forget if they know something unexpected they know? Revelation.