Still Trisha PoV
"Ellyssa..."
"Kung gano'n pala ay Luices kami ni Kuya at hindi Vera, right?" tanong niya sa seryosong boses.
Bakit parang feeling ko ay ito na ang dahilan ng pag-aaway nang mag-ina?
Huwag naman sana.
"Ellyssa..."
"Bakit ka nagsinungaling sa amin?" madiin na seryosong tanong niya na naman.
"Patawarin ninyo ako mga anak..."
"Mom... I'm sorry too... Madami din akong kasalanan sainyo...." nanginginig na sabat naman ni Krissiya.
Need ko na bang maiyak sa kanila?
"Tita... kung gano'n ay kasalana-"
"Hindi." sabat naman ni Lola kaya napalingon kaming lahat sa kanya. "Madaming kasalanan si Crissela pero hindi lahat dahil kasalanan nang bawat magulang ninyo ang karamihan." may naintindihan na ako pero hindi pa din talaga gaano dahil medjo naguguluhan at nalilito pa din talaga ako.
"Ang pagpasok ni Floralyn sa Gangster school at ang pagpasok natin. Ang pagkikita nating lahat ay planado mo di'ba, La?" si Ate naman ngayon ang nagsalita sa seryosong boses at seryoso ang mukha.
"Napakatalino mo talaga, Erhianna. Hindi ako nagsisisi na ikaw ang ginawa kong Empress ng Gangnam." may bahagyang sumilay na ngiti sa labi ni Lola habang si Ate naman ay seryoso lang.
Pero-teka lang... kung gano'n ay planado nila ang pagkikita-kita namin? I mean... planado ni Lola?
"Kung planado mo Lola ang pagkikita-kita namin... para saan?" takang tanong namin kay Lola para ngitian muna kami ni Lola bago niya ilapag sa lamesa ang kanyang mga kamay,
"Ako naman ngayon ang magpapaliwanag sainyo. At makinig kayong mabuti at walang sasabat." napatango naman kaming lahat.
Bakit medjo kabado ako?
"Naalala ninyo ba ang nangyari sa Hacienda Village?" gusto kong sumagot pero tumango na lang din ako kagaya nila.
Wala daw kasi sasabat kaya tango na lang kami.
"Ang nangyari sa Hacienda Village ay kagagawan ng ama ni Krissiya. Alam ko na mangyayari 'yun dahil may mga tauhan ako na nakay Jaime na siyang nagpabalita sa akin sa plano ni Jaime, dahil do'n ay nakaisip ako ng plano."
"Ang planong hindi ko kailanman gusto." sabat naman ni Ate pero nginitian lang siya ni Lola.
"Oo. Alam kong hindi ninyo gusto pero kinailangan kong gawin. Wala akong pag-aalinlangan sa planong 'yun. Ang palabasin na patay na kami." pero bakit naman ginawa 'yun ni Lola? Anong dahilan?
"Anong dahilan mo Lola para gawin ang punyetang 'yun?!" inis na tanong ni Kuya Wisky na kaninang tahimik at walang imik.
Siya naman ang nginitian ni Lola,.
Ang creepy ni Lola ah, ewan ko pero parang ang creepy niya lalo na kapag ngi-ngiti siya. Parang nakakatakot na hindi ko magets.
"Para malaman ko kung hanggang saan ang samahan ninyo, kung hanggang saan ang pagkakaibigan ninyo, kung hanggang saan kayo, kung hanggang saan ba ang makakaya ninyo. Sa madaling salita ay binigyan ko kayo ng isang pagsubok o mission na nagawa ninyong lampasan." Mas naguluhan na tuloy ako lalo. Huhu.
Ansarap umiyak dahil mas nalito na ako dahil sa mga sinabi ni Lola. Nakakabobo na naman mag-isip tapos wala ka pang isip.
"What the heck. Ang babaw nama-"
YOU ARE READING
Gangster Mission (Season 2) (Completed)
Misteri / ThrillerThey past are they hate so much. They want to forget it. But how can they forget if they know something unexpected they know? Revelation.