Chapter 98

2.6K 48 36
                                    

Trisha PoV

Pers time.

Sinipa ko sa tuhod patalikod ang taong ito na nakasuot nang pang nerd pero alam kong nagdisguise lang siya.

Akala niya hindi ko siya mahahalata? Nagkakamali siya dahil una pa lang nahalata ko na siya na lagi kaming sinusundan nila Ate Rhianna.

Minsan nakikita ko na si Ate Rhianna ang madalas niyang sundan, at ito sinundan niya na naman si Ate Rhianna kaya naman naghanap ako nang pagkakataon para komprontahin siya.

Napaluhod siya pero agad din tumayo at humarap sa akin.

"Anong kailangan mo sa amin?" matapang na tanong ko sa kanya dahil istorbo na siya sa aking pagbabasa. Napakaistorbo talaga.

Nagbabasa ako e, andoon na 'yun scene e, magkakaalaman na kung sino ba talaga 'yung ex ng bida, pero ng dahil sa kanya naistorbo ang aking pagbabasa.

Neknek, ansarap tuloy bigwasan ng taong ito.

May padisguise-disguise pa siyang nalalaman akala mo naman hindi ko malalaman .

WATTPADIAN to, 'no?! At alam kong nagdisguise lang siya bilang nerd like sa mga nababasa kong story. Tapos 'yun pala maganda naman pala.

"Hoy, sumagot ka!" utos ko sa kanya.

Npalingon-lingon naman siya sa paligid at napalingon din ako. Nandito pala kami sa may labas ng cafeteria at kakapasok lang nila Ate Rhianna sa cafeteria. At ito siya nakita ko na naman ang babaeng nerd na nag-disguise na ito na sinusundan na naman si Ate Rhianna.

"Karogh yes dzaynd ijets nel?"

(Can you lower your Voice)

"Okay, fine." sagot ko naman sa kanya, bigla naman nagtaka ang kaniyang mukha.

"Naiintindihan mo 'ko?"

"Marunong pala magtagalog nag-japanesse pa" mahinang bulong ko.

Nagulat nalang ako nang hilahin niya ang kamay ko tsaka ako hinila sa kung saan at hindi naman na ako nakapalag, bakit nga ba?

"Saan mo 'ko dadalhin?" hindi siya sumagot dahil hinila niya pa ako lalo. "Sa boss mo ba? Isa ka ba sa Mafia? Mafia ka din 'ba?Kkaano-ano mo si Ezekiel? Anak ka ba ni Ezekiel at Aimee-"

"Shut up!" para akong batang sumunod sa nanay nang mabilis para hindi lalong mapagalitan pa, para hindi lalong magalit ang nanay, kaya sumunod ka na lang nang mabilis kahit na labag sa loob mo.

Saan ba talaga ako dadalhin ng nerd na nag-disguise na ito 'no?!

"Teka lang!" Pigil ko s akanya 'tsaka binawi ang aking kamay at bahagyang lumayo sa kanya nang isasakay niya ako sa puting van.

Sabi na e, kinikidnapp na talaga ako.

"Hindi kita kilala." dagdag ko 'pa.

"Magpapakilala ako sa'yo dahil nahuli mo naman na ako, kaya sumama ka muna sa akin." Madiin na saad niya naman. tsaka walang pasabing itinulak ako papasok.

"Sakit ah! Yung maganda kong face sisirain mo pa! P'wede namang 'wag mo 'kong itulak. Muntik pa 'kong mapasubsob e!" reklamo ko sa kanya pero hindi niya ako pinansin. Itinulak niya lang ako papunta sa kabilang upuan 'tsaka isinara ang pintuan.

May driver sa unahan.Malamang, alangan naman na magmaneho mag-isa ang van na ito.

Umandar na ang van. T'saka ko lang naalala.

"Teka! Teka may klase pa-" Hindi ko na natuloy ang aking sasabihin nang may tumakip sa aking bibig pero may narinig pa ako.

"Daldal naman! "

Gangster Mission (Season 2) (Completed)Where stories live. Discover now