Still Erhianna PoV
Damm!
Ang hirap pa na naman suyuin ang lintik na lalaking 'yun!
What I'm gonna do now? I'm so frustrated! Papaano niya ba kasi nalaman na nando'n ako? At kasama pa si Cyrus!
Shit talaga!
Gusto kong magmura nang paulit-ulit. Kapag nalaman ko talaga na sa bwesit kong kaibigan kaya nalaman ni Aldrin na nando'n ako. Malilintikan talaga sila sa akin!
Kainis!
Tumawag na ako kay Tiger para alamin kong nasaan ang lalaking 'yun pero ang sinagot niya lang sa akin ay 'Kunting lambing lang 'yan Princess, bibigay din 'yan. Mas marupok pa 'yan sa'yo pagdating sa'yo'. Na hinaluan niya pa talaga nang nakakalokang tawa.
Alam niya kung nasaan si Aldrin pero gusto niya pa akong pahirapan na mahanap kung nasaan si Aldrin.
"Kung hahanapin mo sa amin 'yang love mo ate, hanapin mo." Hayan ang binungad sa akin ni Trisha na may nakakalokang ngisi pa.
"Pagnahanap mo na kung nasaan siya. Lambingin mo agad." dagdag naman ni ate Maxima na bahagya pang ngumiti.
"Mapusok mong halikan at hubadan agad. Sinasabi ko sa'yo Rhianna!" masama kong tiningnan si Jonathan dahil sa kanyang sinabi.
Halos lahat sila ay sinamaan ko nang tingin dahil sa mga katarantaduhan at mga walang hiyang mga sinasabi nila.
Feeling ko pinagkaisahan ako. Mukhang pinagkaisahan nga talaga ako.
Katawa!
Tinalikuran ko na silang lahat at narinig ko pa ang kanilang mga nang-aasar na tawa.
"Good luck ate!"
"Ihanda mo na sarili mo! Gagapangin ka na!"
Sigaw nila Jonathan at Trisha sa akin.
Mga lintik!
Pumunta muna ako sa kwarto ko ay nagpalit ng damit. Inayos ko na din ang sarili ko bago ako bumaba muli at hindi na sila pinansin pa. Mukhang hindi naman nila ako napansin dahil mga busy sila.
Saan ko naman hahanapin ang lalaking 'yun? Ang hirap kapag nagseselos siya.
Arghh!!!
Ang dami kong mas importanteng gagawin tapos dumagdag pa siya. Pahihirapan niya pa talaga ako. Ambilis niya ding kumilos. Damm!
Mabilis ko ng pinaandar ang aking sasakyan at hindi ko man lang alam kung saan ako pupunta.
Putaena! Nasaan na ba ang lalaking 'yun?!
May isang naisip akong lugar kung saan siya maaring pumunta kaya naman ay mas binilisan ko pa ang pagmamaneho ko at mabilis akong nakapunta do'n.
Hindi ko na pinark ng ayos ang aking sasakyan at agad naman akong pinagbuksan ng pinto.
I saw Floralyn na nakaupo sa isang couch habang nagbabasa.
Mukhang naramdaman niya ang aking presensya kaya inilapag niya ang librong kanyang binabasa.
"May problema ba ate-"
"Where's your kuya?" putol ko sa kanyang sasabihin at napalingon lingon naman siya sa kung saan.
Sabi na!
"Ate-" hindi ko na siya pinatapos sa pagsasalita nang maglakad na ako at talikuran siya papunta sa kuwarto ni Aldrin kaso wala siya do'n kaya pumunta ako sa rooftop na alam kung isa sa mga pinakatatambayan niya dito.
YOU ARE READING
Gangster Mission (Season 2) (Completed)
Mystery / ThrillerThey past are they hate so much. They want to forget it. But how can they forget if they know something unexpected they know? Revelation.