Still Shainna PoV
The traitor
"The fuck?!"
"Sinong trydor?"
"May trydor?"
"Bakit hindi ninyo sinabi sa amin?"
Samo't saring mga tanong at reaksyon nila habang ako ay mas lalong kumuyom ang mga palad.
Matalim akong tumingin sa kanya habang nakangisi pa din siya sa akin.
"Oh, bakit? Huwag ninyo sabihin sa akin na hindi ninyo alam na may trydor at kung sino ang trydor." ngising saad niya pa.
Natahimik naman ulit ang lahat at mistulang mga natakot.
"Bakit hindi ka makapagsalita ngayon? My dear sister." panghahamon niya naman sa akin.
Damm.
Gusto ko siyang sampalin pero ayaw kumilos ng katawan ko. Gusto ko siyang bugbogin pero ayaw gumalaw ng mga paa ko.
"Tell me everything! Tell us!" sigaw ko sa kanya na umalingawngaw sa buong mansyon.
Mas lalo siyang napangisi. Sinundan ko siya ng tingin at pinagmasdan ang ginagawa niyang pagbuklat isa-isa sa mga envelope na nasa lamesa.
I heard them gasped kasama na ako ng makita namin kung ano ang mga laman ng bawat mga envelope.
"Sa labang ito. Iisa lang ang kalaban natin. Ang Luices. Ang pinuno nila." panimula niya habang inisa-isang ilapag ang mga picture nang isang matandang lalaki.
"He is Jaime Luices." dagdag niyang muli at ikinalat ang mga litrato.
Iba't ibang anggulo. Iba't ibang lugar.
Madalas ay nakatalikod ang lalaki sa bawat kuha sa litrato habang may kausap na kung sino.
"Jaime Luices is the biggest traitor."
"Traitor-what?" nagtatakang tanong namin.
"Luices... He is my mother ex lover." napasinghap naman ako at mas lalong hindi makapaniwala. Sumulyap siya sandali sa akin bago ibalik ang mga paningin do'n.
"My real mother." pagtatama niya naman.
"Babe..." rinig kong bulong ng kung sino.
Hinayaan ko siyang hilahin ako paupo sa mga hita niya muli, patalikod.
Naramdaman kong pinaglalaruan niya ang aking mga buhok sa likod kaya hinayaan ko na lang siya dahil mas tinuon ko ang mga paningin ko kay ate.
"Siya ang tunay na minahal ng gago kong Nanay kaysa sa totoo kong Tatay." Hindi ko alam at kilala kung sino ba ang tunay na magulang ni ate pero nasisigurado ko na hindi si Mama ang Mama niya.
Hindi ko matanggap na hindi kami magkapatid... Mas lalong hindi ko tatanggapin.
"Sino ba ang tinutukoy mo?" tanong nila pero nginisian lang sila ni ate.
"Uunti-untiin kong sabihin sainyo ang lahat dahil paniguradong hindi kayo maniniwala kapag sinabi ko sainyo ang lahat." ngising saad niya bago siya sumandal muli sa sandalan. "Kung ano nga ba ang nangyayari at kung sino nga ba talaga ako..." ngising dagdag niya pa habang nakatingin sa akin.
Nakayanan ko pang makipagtitigan sa kanya hanggang ako na ang umiwas ng tingin. Wala talagang makakatalo kahit na sino pagdating sa kanya.
"Hindi ba puwedeng to the point na lang? Damm!" rinig kong inis na mga reklamo nila na gulong-gulo na.
![](https://img.wattpad.com/cover/281729113-288-k840092.jpg)
YOU ARE READING
Gangster Mission (Season 2) (Completed)
Mister / ThrillerThey past are they hate so much. They want to forget it. But how can they forget if they know something unexpected they know? Revelation.