Still Shainna PoV
"Hindi ako puwedeng umuwi sa amin ng ganito ako..." pahina nang pahina ang aking boses habang sinasabi ko 'yun sa kanya.
Natigilan naman siya saglit sa paglalakad habang buhat-buhat ako ng pangkasal habang nasa leeg niya ang aking mga braso.
Napatingin siya sa akin kaya napaiwas ako ng tingin dahil sa ginawa niyang pagtitig sa akin.
"What do you want then?" tanong niya sa may mababang boses.
Nakakahiya man pero hindi talaga ako puwedeng umuwi sa Mansion ng ganito ang sitwasyon ko. Alam kong magtataka at magdududa sila kaya hindi maaari na umuwi ako ng ganito.
"Ca-can... I stay here?" tanong ko para lalo siyang mapatitig sa akin.
"Okay."
"Jonathan..." pagtawag ko sa kanya habang nanood ako ng TV ngayong gabi sa higaan niya. Wala siya ngayon sa tabi ko kaya kailangan ko pa siyang tawagin.
Kailangan ko pang sumigaw para marinig lang ako nang lalaking 'yun.
"Jonathan..." mahinang pagtawag ko.
Shy, nababaliw ka na. Hindi ka niya maririnig kong impit lang ang boses mo.
Bakit ba kasi umalis pa ang lalaking 'yun.
Nanood na lang ako ng TV habang nakasandal sa headboard ng kama niya.
Nakadamit na din ako at siya ang nagdamit sa akin kaya hiyang-hiya ako ngayon pero kailangan kapalan ang mukha para hindi mahalata na nahihiya na bahagyang naiilang ako sa kanya.
Ilang araw kaya ako dito sa kanya? Kailangan ko din umisip ng dahilan kina ate para hindi sila magtaka na hindi ako umuuwi ng ilang araw sa Mansion kaso ang problema ay wala 'yung cellphone ko sa akin kaya kailangan ko pang tawagin ang hayop na lalaking 'yun.
Nasaan na ba kasi 'yun? Naiinis na ako sa kanya! I need my phone now!
Huminga na lang ako ng malalim para kalmanhin ang aking sarili at baka hindi na talaga ako makapagpigil na masapak ko na talaga siya.
Hindi din ako makaconcentrate sa panood dahil sa mga iniisip ko tungkol sa kanya.
Sino kaya ang kasama niya sa Mansion na ito? Oo, Mansion niya mismo ito. Nalaman ko dahil sinabi niya sa akin no'ng nagtanong ako.
Curious tuloy ako kung kasama niya ba ang parents niya dito at kung dito niya ba dinadala ang mga babae niya.
Shit.
Masasapak ko na talaga siya kung dito niya dinadala ang mga babae niya. Tapos dito pa sa mismong kama sila gumagawa ng milagro. Dito sa kamang may nangyari sa aming dalawa.
Hindi ako makakapayag kung gano'n dahil ayaw kong maging isa sa mga babae niya. Ayaw kong maging isa ako sa mga collection niya ng mga babae.
Naiisip ko tuloy kapag dito niya dinadala ang mga babae niya. Naiisip ko kung papaano sila mag gano'n sa ginawa naming dalawa kagabi.
"Babe?" napairap ako ng palihim nang marinig ko ang boses niya.
"What?" inis na mataray na tanong ko sa kanya.
"Are you mad?" mababang boses na pagkakatanong niya sa akin para matigilan ako pero dinaan ko na lang sa irap para hindi niya mahalata.
"Bakit naman ako magagalit?" taas kilay na tanong ko sa kanya para mapabuntong hininga siya.
"Akala ko lang..." saad niya atsaka siya nag-iwas ng tingin at binaba ang hawak niyang tray na may lamang gatas sa gilid ng kama niya na may maliit na table.

YOU ARE READING
Gangster Mission (Season 2) (Completed)
Mystery / ThrillerThey past are they hate so much. They want to forget it. But how can they forget if they know something unexpected they know? Revelation.