Kyla PoV
Nakayuko lang ako habang hawak ang kamay ni David. Ayaw kong mag-angat nang tingin dahil para sa akin, isang pagkakamali kapag ginawa ko 'yun.
Masasaktan lang ako.
"H'wag mong ipakitang nasasaktan ka pa, Kyla." napalingon ako kay David nang bumulong siya sa aking tainga pero nasa iba na ang kaniyang mga paningin.
Minsan napapaisip ako kung deserving ko ba si David, 'yung pagmahal niya sa akin. Hindi ko alam kung deserving ko ba.
Gusto ko nang kalimutan ang nararamdaman ko kay Terrence pero bakit hindi ko magawa? At bakit mas lumalala ang nararamdaman ko sa kaniya? Gano'n ba talaga 'yun? Pero kung ipagpapatuloy ko pa ang nararamdaman kong ito.
Mas masasaktan ako nang sobra kaya naman gusto ko na siyang kalimutan ngunit 'yung puso ko ayaw siyang kalimutan.
May masasaktan din ako kapag ipinagpatuloy ko ang nararamdaman kong ito. Bakit ba kasi hindi ko na lang kalimutan ang nararamdaman ko sa kaniya? Mukhang masaya naman na siya na wala na ako sa piling niya. Bakit hindi na lang din 'yun ang gawin ko, bakit ba kasi nagpapakatanga pa ako sa kaniya? Bakit ba umaasa pa ako sa taong ayaw naman na sa akin. Masaya na siya bakit ko pa siya guguluhin.
"Minsan Terrence, matuto kang igala ang paningin mo. Matuto kang pagmasdan 'yang asawa mo dahil hindi mo alam niloloko ka na pala ng nakatalikod ka." nag-angat ako nang tingin dahil sa sinabi ni Ate Rhianna. Makahulugan kong magsalita si Ate kaya minsan ay hindi mo agad malalaman ang nais niyang ipahiwatig at kung ano ang kaniyang punto.
Pero kapag nagsasalita siya ay palaging seryoso at matalinghaga ang mga salitang binibitawan niya lalo na at makahulugan pa hindi mo agad malalaman kung ano ba ang ibig niyang sabihin.
"I don't care, Rhianna. Ang sa akin lang, kung may problema kayo sa akin, sa akin lang. 'Wag ninyong idamay ang asawa ko sa problema ninyo sa akin, kung dahil ito sa amin ni Kyla, 'wag na kayong-"
"Tarantado ka ba?" inis na tanong ni Angie at nagsisimula na akong kabahan dahil nararamdaman kong may hindi magandang mangyayari.
Please, ayaw ko makita ang mangyayari. lalo na at ayaw kong marinig kung ano man ang mangyayari. Gusto ko nang umalis pero ayaw kumilos ng aking mga paa.
"Inaamin kong naging tara-"
"E, alam mo pa lang gago ka, tapos ano? 'Wag kaming makialam? Lakas din pala nang topak mong hayop ka e 'no?" napakagat ako nang labi dahil sa lutong nang pananalita ni Angie. Dapat sanay na ako sa kaniya pero kinakabahan pa din ako lalo na sa ginagawa niya.
"Sinong hindi mangingialam kung 'yung isa sa iniingatan mo ay nakikita mong nahihirapan at nasasaktan. Sabihin mo nga sa amin? Anong dahilan at bakit wala kaming karapatan na mangialam sa nangyayari sainyong dalawa?" hamon niya at wala naman naging tugon sa kaniya si Terrence. "Alam mo bang kating-kati na ako sapakin 'yang painosenteng asawa mo, hah? Kaso napipigilan ko ang sarili ko at baka mawalan nang Ina 'yung anak ninyo kapag hindi ako nakapagpigil. E, ikaw Terrence, bakit parang wala lang sa'yo na nawalan kayo nang anak ni Kyla? dahil ba diyan sa babae na 'yan? dahil mas-"
"It's not like that kaya 'wag kang ma-"
"Aba, napakatarantado mo pala e, Tangina mo! Hindi ka talaga karapat-dapat kay Kyla. Hindi karapat-dapat ang kagaya mong gago at tarantado sa kaniya." nanginginig na ako at gusto ko nang maiyak.
Ganito ba talaga kapag buntis?
"Are you okay?" tanong sa akin ni David para mapalingon ako sa kaniya at ang lapit namin sa isa't isa.
YOU ARE READING
Gangster Mission (Season 2) (Completed)
Mystery / ThrillerThey past are they hate so much. They want to forget it. But how can they forget if they know something unexpected they know? Revelation.