Chapter 146

376 16 1
                                    

Trisha PoV

Ako'y gulong-gulo. Ang utak ko ay litong-lito Sobrang nakakabobo.

Bobo na nga ako tapos pinamumukha pa nila sa akin na bobo ako!

Ang bad nila! Huhu!

"You mean po... Tita, anak mo si Rhianna?" napatango naman si Tita Crissela sa tanong ni Joshua.

Dito pa ako kanina nalilito e. Masyado akong nabobo.

"Oh... my... ghod..." singhap na gulat na saad nila na halata naman nagulat, syempre.

"Pero... pa-" napatigil naman ako sa pagtatanong ng may marinig kaming sigaw ng kung sino.

Halata sa boses niya na umiiyak din siya,  Bakit para pamilyar sa akin 'yung boses na 'yun?

"Please... papas-"

"Ano 'yun?" takang tanong namin at akmang tatayo na sana kami ng makita namin si Mikee na kasama si Krissiya na magulo ang buhok. Punit ang manggas ng suot niyang damit habang umiiyak.

Ay hala, anong nangyari dito? Mukha siyang narape.

"Krissiya anak. Anong nangyari sa'yo?" gulat na tanong na Tita Crissela at pinuntahan niya si Krissiya na umiiyak habang yakap ang sarili.

"Mom.... I'm sorry... patawarin mo-"

"Anong nangyari sa'yo? Bakit ganyan ang itsura mo?" hindi nakasagot si Krissiya na tanging paghikbi lang ang nagawa at ang kanyang pag-iyak niya lang ang kanyang naisagot sa kanyang Ina.

Ay grabe! Ang galing naman umakting ng bruhang babaeng 'to. Ansarap niyang sampalin.

Acting pa more bitch!

"Mommy...."

"What's wrong? Ano bang nangyari?" gulong tanong ni Tita Crissela, at ako din naguguluhan na dahil sa pagiinarte niya.

"What are you doing here, Krissiya?" biglang sabat ni Kuya Jah na pababa ng hagdan kasama si Ate.

Ng mabaling siya ng tingin kay Krissiya ay agad na nangunot ang kanyang noo at may sinenyasan siya. Hidi ko alam kung alam na ng taong 'yun ang pagsensyas sa kanya ni Kuya Jah, pero... mukha naman.

Lumapit siya kay Krissiya habang si Ate naman ay natigilan at nawalan ng exspression ang mukha.

Sinundan ko siya ng tingin hanggang sa makaupo siya sa bakanteng upuan dito sa lamesa habang nakatingin kay Kuya Jah na nasa harapan ni Krissiya na nagiinarte,

"Aldrin..." nanginginig ang boses niyang pagtawag.

"Anong ginagawa mo-"

"Let me see my daughter... I know she's ali-"

"At ano naman-"

"Teka-nga!" pigil naman ni Tita Crissela na naguguluhan pa din base sa kanyang mukha na mukhang gulong-gulo. "Ano bang nangyari sa'yo, anak?" mahinahon na tanong niya pero hindi man lang sumagot si Krissiya dahil napayuko na lang siya at napaiyak lalo,

Drama Queen na siya ngayon.

"Mom..."

"Muntik na siyang mapagsamantalahan na naman ni Jaim-"

"Ano?" umalingawngaw sa buong Mansyon ang sigaw ni Tita na 'yun na hindi makapaniwala at gulat sa naririnig mula kay Mikee.

"Is that tr-"

"Wala ka ng kasingsama, Jaime." gigil na madiin na saad ni Tita Crissela.

"Aldrin... nagmamakaawa ako sa'yo... Let me-" napasinghap ako ng mahina ng hawakan ni Kuya Jah ang mukha ni Krissiya habang umiiyak, habang malamlam ang mukha ni Kuya Jah.

Gangster Mission (Season 2) (Completed)Where stories live. Discover now