Chapter 149

426 14 4
                                    

Still Krissiya PoV

"Aldrin, anong nangyayari?" tanong ni Tita Flora ng lumapit siya do'n.

Napatitig lang ako sa kanila at hindi man lang alam ang gagawin.

"Hey!" may biglang maliit na batang lalaki naman ang sumulpot sa kung saan ay sinuntok siya sa binti. "Bakit mo pinaiyak ang ate ko?" Anak din ba nila 'to?

Fuck.

"Aldrin, Erhianna! Ano bang nangyayari sainyo at pati mga bata ay nadadamay?!" malakas ng sigaw ni Tita Flora pero wala muling sumagot sa kanila.

"Sabi mo kami lang! Sabi mo wala kang iba! Sabi mo si Mommy lang! Pero bakit may anak ka sa iba?!" napaawang ang aking bibig sa narinig kong 'yun.

Hindi ko man alam ang nangyayari talaga pero may naiintindihan na ako.

"Zoe... " mahinahon, malamlam ang mukha at may pagsusumamo sa kanyang mga mata habang nakatingin sa batang babaeng 'yun na sinigawan siya.

Napatingin naman ako kay Rhianna na bahagyang tumingala. Wala man emosyon ang kanyang mukha pero mukhang problemado siya.

"I don't want you to be my Daddy! I hate you! Ayoko na sa'yo!" sigaw pa nang batang babaeng 'yun sa kanya.

Ako 'yung nasasaktan para kay Aldrin dahil pakiramdam ko ay kasalanan ko.

"What the hell is fvking happening here?!" napatahimik ang lahat. Naging tahimik ang lahat dahil sa boses ni Mommy na makapangyarihan na may strikto.

"Aldrin, explain." simpleng saad naman ni Tita Flora.

"Kuya Tiger, pakidala mo na ang bata sa taas." Rhianna sighed after she said that.

Dinala niya naman ang mga bata sa itaas at may kasama pa siyang iba. Kinuha din nila ang Anak ko sa akin kaya hinayaan ko na.

"Ano bang nangyayari?" mahinahon na ang boses ni Mommy ngayon ng magkatapat-tapat na kaming lahat.

"Aldrin, anak.

"Krisha is my daughter," panimula niya para mapayuko ako ng bahagya at makagat ang aking labi.

Napapikit din ako sandali at sobra ang kaba ang aking nararamdaman.

"Krisha, who?" sabay-sabay na tanong nilang lahat para mas bumilis ang tibok ng aking puso.

Damm. Hindi ko man lang pinaghandaan na pag-uusapan nila ang tungkol sa anak ko,

"My daughter..." nanginginig na sabat ko naman para mapatayo si Tita Flora at mapasigaw ng bahagya.

Napapikit naman ako ng mariin at mapakagat sa labi ng madiin.

"What the hell is this?!"

"Mom..."

"Kailan pa, Aldrin?!" sigaw na naman ni Tita Flora.

"Tita Flora..." pagbanggit ko sa pangalan niya ng marahan at nag-angat ng tingin na may kaba sa aking dibdib at mukha.

Walang emosyon lang siyang nakatingin sa akin habang ako ay abot-abot na ang sobrang kaba sa dibdib.

"Nakakalimutan mo ata Aldrin." hindi ko alam ang ibig niyang sabihin pero may pakiramdam akong hindi tama.

"Mom..."

"Hindi ka na nahiya kay, Rhianna." mas madiin na saad niya pa para lakas loob akong mapatingin kay Rhianna na wala man lang emosyon na mukhang normal na.

Gangster Mission (Season 2) (Completed)Where stories live. Discover now