Krissiya PoV
Hindi ko sukat akalain na mabubuhay pala ako sa kasinungalingan nang sarili kong ama.
Buong buhay ko ay nagalit ako ng sobra sa aking Ina dahil akala ko ay hinayaan at iniwan niya ako para sa kanyang anak na si Erhianna, kaya 'yun ang naging dahilan ng sobrang galit ko sa kapatid kong 'yun.
Buong buhay ko ay akala kong mas pinili nang aking Ina ang kanyang anak na 'yun.
Akala ko ay ayaw niya talaga sa akin kaya iniwan niya ako sa aking ama.
Pero hindi ko sukat akalain na ang lahat ng alam kong 'yun ay kasinungalingan lang pala sa akin nang sarili kong ama para lang magalit at kamuhian ko ang aking Ina.
Nagsisisi ako sa ginawa kong 'yun kaya hindi ko alam kung pa-paano nila ako mapapatawad dahil sa ginawa kong mga kasalanan sa kanila.
"Mommy!" sigaw nang anak ko at patakbong lumapit sa akin kaya mabilis ko siyang binuhat at hinalikan sa kanyang mukha. "Namiss kita, Mommy." she pouted.
Kinurot ko ng mahina ang kanyang pisnge habang nakangiti ako sa kanya para mas lalo siyang mapanguso sa akin.
"Okay ka lang ba dito? Hindi ka ba nila sinaktan?" alinlangan na tanong ko sa kanya.
"Masaya dito, Mommy. Madami po akong kalaro at love po nila ako. Hindi po nila ako sinasaktan kasi mababait po sila. Bkit po, Mommy?" inosenteng tanong niya sa akin.
"Wala naman, baby." nakangiting sagot ko sa kanya para mapanguso naman siya.
Nakatitig lang siya sa akin habang inaayusan ko siya at binibihisan kaya napatigil ako sa pagpalit sa kanya ng damit at takang tumingin sa kanya.
"May problema ba?" mahinahon na tanong ko habanv hinahaplos ang kanyang buhok.
"Mommy... totoo po ba may kapatid po ako?" napatigil ako dahil do'n at bahagyang nagulat pero hindi ko pinakita at pinahalata sa kanya.
Hindi ko alam ang isasagot ko sa kanya lalo na at hindi ko alam ang sinasabi niya na may 'kapatid' siya.
"Ayaw mo ba no'n?"
"Gusto ko po, Mommy, pero po..." alinlangan na pagkakasabi niya kaya binuhat ko siya at pinaupo sa aking mga hita.
"Di'ba sabi ko sa'yo huwag ka magse-secret kay Mommy,"
"Pero kasi Mommy... parang ayaw po sa akin ni Ate e," nakayukong sagot niya sa akin para mapakagat ako ng labi sandali.
"Don't worry baby. Magiging love ka din ng Ate mo." tanging nasabi ko na lang sa kanya.
I'm sorry, baby. I'm sorry If I lied to you.
Natatakot pa akong sabihin sa kanila ang lahat at totoo. Sana mapatawad ninyo ako sa mga kasalanan at kasinungalingan ko.
"Hi po, Lola!" masiglang bati niya kay Mommy na agad niyang niyakap at niyakap din ni Mommy pabalik si Krisha.
Napalingon sila sa akin kaya bahagya akong napayuko dahil wala akong maiharap sa kanila halos dahil sa mga kasalanan na nagawa ko.
Lalo na ang pagkawala ni Cyrus na hindi ko inaasahan.
Hindi ako makapaniwala na wala na siya kaya tanggap ko kung matindi ang galit ni Erhianna sa akin dahil alam kong siya ang nasaktan at nasasaktan ng sobra.
Lahat ng tapang ko ay umurong bigla ng malaman ko ang lahat. Lahat ng kaya ko ay nawala bigla dahil sa matatalim na tingin nila sa akin. Lahat ay halos nawala ng biglaan sa akin at wala talagang maihaharap sa kanila.
YOU ARE READING
Gangster Mission (Season 2) (Completed)
Misteri / ThrillerThey past are they hate so much. They want to forget it. But how can they forget if they know something unexpected they know? Revelation.