Chapter 117

379 15 22
                                    

Still Trisha PoV

Lahat ay naghahanda na para sa gaganapin na intramurals. Ngayon ang unang araw para sa intramurals at ilang linggo din gaganapin iyon.

Kaya naman lahat kami ay naghahanda na bawat section ay may sari-sariling booth at ang iba naman ay naghahanda para sa cooking contest.

Exciting.

Sa totoo lang ay nae-excite na ako dahil parang antagal na din nung hindi kami nakaranas nang ganito. Nakakamiss sumali sa mga competition at mabuti na lang makakasali ako sa competetion pero sa buwan nang Agosto pa 'yun, sa buwan nang wika kung saan isa ako sa lalaban sa poster making.

Nagpahard to get pa ako pero wala din nagawa kasi si Ate Rhianna na 'yun kaya wala akong nagawa kundi ang pumayag na lang din.

Nagkalat ang mag SSG Officer sa  kung saan-saan at ang mga admins nang mga club.

May naalala na lang ako bigla, tungkol kay Jaycel, pansin ko lang na parang may kakaiba sa babaeng 'yun, madalas niyang kasama 'yung Nylaer na 'yun? I'm not sure pero mukhang Nylaer nga ang pangalan nang babaeng palagi niyang kasama. Feeling ko may problema ang babaeng 'yun pero ayaw niya lang sabihin sa amin. Atsaka nagulat ako na sumali pala 'yun sa isa sa mga club dito sa school. Siguro medjo nagtaka lang ako nang kaunti at nanibago sa kaniya.

Free ngayon ang lahat nang mga studyante and do whatever you want.

Kaya naman heto kami, ginagawa namin kung anong mga nais namin, at ako ito parang tangang naglalakad lakad at hindi malaman kung saan ako pupunta.

Hanggang sa bigla na lang akong may nabangga at muntik pang matapon ang hawak kong ice cream. Nag-angat ako sa taong ito at bigla na lang gusto kong manampal nang makilala ko kung sino siya.

Ang kapal din pala nang pagmumukha niyang babae siya. Pagkatapos niyang mang-agaw nang may jowa nang may jowa kaya niya pang humarap sa lahat.

Pero teka, sino ba talaga ang nauna sa kanilang dalawa ni Kyla my couzin?

"Sorry," nakayukong paumahin niya para mapataas lang ako nang kilay.

Don't act like an innocent cat, bitch.

Bait-baitan ang peg niya hah! Akala niya naman uubra sa akin 'yang style niya. Pwes nagkakamali siya dahil hindi 'yan uubra sa akin. Makakatikim lang siya sa akin nang mag-asawang sampal kapag nag-act pa siya na parang inosenteng walang alam sa lahat.

Ghosh! Nakakairita.

"Anong magagawa nang sorry mo?" pagtataray ko sa kaniya para lalo siyang mapayuko.

Antagal ko na din na hindi nagtataray at matagal na din akong nagtitimpi sa kaniya kaya wala akong pakialam kung makagawa ako nang gulo dito at wala akong pakialam kung pagtingin kami nila. Ang sa akin lang ay okay na ako kung magantihan ko siya kahit papaano dahil hindi niya alam kung papaano naging miserable ang pinakamamahal kong pinsan na si Kyla dahil sa kahayupan at kalandian niya. Hindi sa kinakampihan ko ang pinsan ko, pero parang gano'n na nga.

Sinampal ko siya na hindi niya inaasahan at ikinagulat pa niya. Napatingin din sa amin ang ilan at nagkaroon na naman nang bulungan.

Gaya nang sabi ko, WALA AKONG PAKIALAM.

Wala akong pakialam kung ako'y pag-chismisan nila. Wala din naman silang alam sa nangyayari kaya 'wag silang mag-react na lang basta.

"You know what, matagal na akong nagtitimpi sa'yong babae ka." inis na saad ko sa kaniya. Napangisi na lang ako nang makita ko ang pagkuyom nang kaniyang mga kamao.

Sige, bitch! Lalabas ang tunay mong anyo at ugali.

May naisip na naman ako kaya palihim ko munang pinindot 'yun, at akmang sasampalin ko siya nang mahawakan niya ang kamay ko na hindi ko na ikinagulat dahil nasa plano ko 'yun at alam kong gagawin niya 'yun.

Gangster Mission (Season 2) (Completed)Where stories live. Discover now