Still Jaycel PoV
Bahagyang napaatras si Krissiya at hindi makapaniwalang napatingin sa itaas, sa screen. Napatingin din ako sa itaas kung saan iba na ang mga nasa screen.
Sa gitna ng dagat ay may isang boat na may nakasakay na apat na tao, dalawang babae, at kilala ko ang dalawang babae na 'yun, sina Mikee at Kimberly, at isang lalaki na hindi ko kilala, pero ang nakaagaw ng pansin ko ay ang batang kasama nila na nakasakay sa boat na kung saan ay inosenteng nakatingin sa dagat.
"Ano pong gagawin natin dito?" inosenteng tanong niya para lingunin siya ng mga kasama niya.
"Maliligo tayo dito." nakangiting sagot naman ni Kimberly para mapangiti at matuwa ang bata.
Nagbaba ulit ako ng mga tingin kina Krissiya na gulat pa din na nakatingin sa itaas.
"Krisha...." rinig kong mahinang saad niya habang hindi makapaniwalang nakatingin sa itaas.
"Alam kong gagamitin ninyo ang anak ko laban sa akin kaya patas na tayo ngay-"
BANG
BANG
BANG
"Walang hiya ka!" malakas na sigaw 'tsaka paputukan si Ate ulit ng sunod-sunod pero laking gulat naming lahat ng may biglang tumalon galing sa itaas at niyakap si Ate,
Kuya Cyrus...
"Oh my ghod..." singhap na mga saad nila habang hindi makapaniwalang nakatingin kina Ate at Kuya Cyrus.
Maging si Ate ay nagulat at hindi nakakilos agad, gano'n din si Krissiya na napaawang ang bibig at nagulat din.
Agad kong sinipa sa kanilang gitna ang mga lalaking 'to at agad ding binaril bago patakbong pumunta kina Ate...
Agad ko ding pinaputukan si Krissiya sa kanyang braso ng tatlong beses na hindi niya inaasahan.
Putok ng mga baril. Ilang sigawan at pagmumura nila ang naririnig. Ang nagkakagulong mga tao sa loob ng Arena.
"Cy... don't sleep..." napatingin ako kay Ate ng marinig ko ang boses niyang nanginginig na.
Ito na nga ba ang sinasabi ko e! At ang ayaw kong mangyari dahil ito ang kahinaan ni ate.
Tangina mo talaga Krissiya! Tangina mo! One million na tangina mo para sa'yo!
"Ate..." pagtawag ko sa kanya pero hindi niya ako nilingon dahil na kay Kuya Cyrus lang ang kanyang mga paningin.
Nakahiga ang kanyang ulo sa mga hita ni Ate habang bahagyang hawak ni Ate ang kanyang ulo, bahagya din na sumusuka na siya ng dugo at hinang-hina na.
Napapikit ako sandali at lumapit kay Ate na sobrang nanginginig na habang umiiyak na ng bahagya.
"Bakit mo ginawa 'yun?" tanong niya kay Kuya Cyrus.
"Because.... I love you..."
"Cy..."
"I love you, Reca... handa akong ibuwis ang-"
"Huwag ka na magsalita..." nanghihinang mahinang saad niya kay Kuya Cyrus na umubo na naman at sumuka ng dugo.
Hindi na namin alintana ang ingay ng paligid. Ang gulong nangyayari,
"I love you... until... my last... breath..." hinang-hinang saad na naman ni Kuya Cyrus para maiyak na ako
Shetaaa!!!
Hindi ko na kinakaya... Tangina mo talaga, Krissiya!
"Cy... huwag kang bibi-"
YOU ARE READING
Gangster Mission (Season 2) (Completed)
Mystery / ThrillerThey past are they hate so much. They want to forget it. But how can they forget if they know something unexpected they know? Revelation.