Chapter 125

387 12 4
                                    

Still Shainna PoV

"Oh, saan ka-" napatigil si Jaycel sa pagsasalita nang lumingon siya sa aking likuran. Napatikhim din siya bago muling tumingin sa akin. "Kayo pala... saan kayo galing?" may pang-aasar sa tono nang boses niya.

"None of your business." madiin na tanging sagot ko lang sa kanya para mas lalo siyang mapangisi.

Akmang lalagpasan ko na sana siya nang marinig ko naman na nagsalita si Trisha para mapalingon naman ako sa kanya atsaka siya tinaliman nang tingin.

"Bakit may chikinini ka?" nang-aasar na tanong naman naman ni Trisha para magtaka ako sa kanyang sinabi at humarap sa kanya, sa kanila nang nakataas na naman ang aking kilay.

"What?" taas kilay at nagtatakang tanong ko sa kanila.

Nagkatinginan naman sila bago mga napailing na may nakakalokang ngiti sa mga labi para magtaka ako sa mga kinikilos nila, at para mapatingin din ako kay Jonathan na biglang pinilig ang ulo pakanan at may sumilip na bahagyang ngiti sa kanyang labi.

"Tumingin ka kaya sa salamin." saad naman ni Jerick.

"Hindi man lang mga nag-ingat at mga nang-iwan pa ng baka-" hindi ko na narinig pa ang ibang sinabi ni Joshua dahil patakbo na akong umakyat sa aking kuwarto at tumingin agad sa salamin.

Agad kong tiningnan ang bandang leeg ko. Halos mainis na lang ako dahil sa nakita kong dalawang chikinini do'n.

Shit ka, Jonathan. Humanda ka sa akin!

Padabog akong naglakad pababa ng hagdan at agad na sinapak si Jonathan pero nahawakan niya lang ang aking kamao.

"Hayop ka!" inis na sigaw ko sa kanya at akmang sasapakin na naman siya nang higitin niya ang aking baywang papalapit sa kanya para hindi na naman ako makapalag dahil sa ginawa niya.

What the hell is wrong with me?! Bakit ganito na lang ang epekto sa akin nang hayop na lalaking ito?

"Alis muna kami." sabay-sabay na paalam nila at narinig ko ang mga yabag nila paalis.

Buong lakas ko siyang tinulak at pinaulanan nang mga suntok ko, kaso lahat ay naiiwasan niya.

"Hayop ka talaga!" inis na sigaw ko na naman sa kanya.

"Nag-enjoy ka din naman, babe." pang-aasar niya para lalo akong manggalaiti sa inis ko sa kanya at sunod-sunod na muli siyang pinaulanan nang mga suntok.

Nakangisi lang siya sa akin na may bahid na pang-aasar at mukhang nasisiyahan pa sa ginagawa ko.

Damm you, Jonathan Santos.

"Babe..-"

"If you like me Jonathan. I want to remind you. I DON'T LIKE YOU. At hinding hindi kita magugustuhan." madiin na saad ko sa kanya para matigilan siya para masapak ko na siya sa panga na ikinatigilid lang nang kanyang mukha nang bahagya.

Lumingon siya sa akin na ngayon ay wala nang emosyon ang mukha para matigilan din ako.

Bahagya akong napaatras dahil sa paglapit niya sa akin nang dahan-dahan hanggang sa mapaupo na lang ako sa sofa na kanya namang sinundan. Ngayon ay nasa itaas ko na siya habang ang mga braso ay nasa magkabilang gilid ko, wala pa ding emosyon ang mukha.

"Siguraduhin mo lang na hindi ka talaga magkakagusto sa akin, Shainna Denniz Gutierrez." madiin na bulong niya sa aking tainga para mapahawak ako sa kanyang dibdib pero hinawakan niya lang ang aking mga kamay na nando'n.

"Sisiguraduhin kong kakainin mo 'yang sinabi mo." dagdag ba bulong niya pa sa aking tainga at mabilis na hinalikan ang aking leeg.

"Jonathan!" huli na ang pagreact ko sa ginawa niya.

Gangster Mission (Season 2) (Completed)Where stories live. Discover now