Still Kyla PoV
"But you cheated!" napaayos na lang ako bigla ng pagkakatayo dahil sa narinig kong sigaw na 'yun.
Boses 'yun ni Kuya Aldrin ah, sinong kausap niya? At anong nag-cheat? Sinong nag-cheat?
Hindi kaya....
Pero... hindi naman magagawa ni ate 'yun. Imposibleng mag-cheat siya lalo na at mahal na mahal niya si Kuya Aldrin kahit na LDR sila at nagkalayo sa isa't isa.
"What? Anong pinagsasabi mo?" rinig kong naguguluhan na tanong naman ni Ate.
Alam kong masamang makinis sa usapan ng may usapan pero hindi ko naman sinasadya na marinig sila lalo na at napadaan lang naman ako.
Tatlong araw na ang nakalipas ng makalabas ako sa hospital. Hindi ko din kasi bet 'yung amoy sa hospital kaya ayaw ko. Parang nakakasuka, kaya naman ay nagpumilit ako na i-uwi na ako dahil ayaw ko na sa hospital.
Hindi naman ako baldado. Wala naman akong sakit. Nahimatay lang.
Muntik na ding makunan.
"Hinalikan mo siya pabalik, Erhianna! Anong sapalagay mo do'n?! May tayo. Sapalagay mo, hindi cheating ang ginawa mo?!" napalayo ako ng kaunti sa pintuan dahil sa sigaw na 'yun ni Kuya.
Si Ate.... niloko niya si Kuya? Nag-cheat siya? Pero... hinalikan lang naman ni ate si Kuya Cyrus pabalik, cheat na ba 'yun?
Napahawak naman ako sa ulo ko ng bahagya, bahagya ko ding inisip kung cheat ba 'yun.
Edi, nagcheat nga talaga si Ate. At kung tutuusin ay nacheat din si Terrence kay Lyka na asawa niya.
Bigla naman akong napasandal sa dingding at hinaplos ang aking tiyan.
"Sorry baby..." mahinang saad ko habang hinahaplos ang aking tiyan.
"Aldrin..."
"Erhianna, nagpaliwanag na ako sa'yo, lasing ako at hindi ko alam. Oo, kung sa'yo ay nag-cheat ako dahil do'n. Inaamin ko naman, pero, tangina! Hindi kita niloko lalo na at hindi ko alam 'yun, hindi ko ginusto 'yun! Pero... bakit? Bakit ka gumaganti?"
Hindi ko sila gaanong magets pero medjo naintindihan ko ang pinag-uusapan nila.
Nag-aaway ba sila? Halata naman Kyla, huwag kang tanga!
Wala na akong narinig na kung ano pa man kaya sumilip ako ng kaunti sa pinto. Napatakip na lang ako bigla ng aking mga mata dahil sa nakita kong ginagawa nila.
"Baby... walang nakita si Mommy," pagkausap ko sa aking anak na nasa aking tiyan pa naman.
Napahawak na lang ako sa aking dibdib ng may biglang humawak sa aking balikat.
"Okay ka lang?" tanong ni ate Zang sa akin na may pag-aalala sa mukha.
"Sapalagay mo Ate? Nakakagulat ka." inis na sagot ko naman sa kanya.
"Sorry naman." natatawang sagot niya atsaka ako hinawakan sa baywang.
"May nakita ka?" dagdag n'ya.
"Huh? Wala ah!" tanggi ko agad na kahit na ang totoo ay may nakita ako pero ayaw ko lang aminim dahil nakakahiya.
Bakit ba kasi hindi sila nagsasara ng pintuan?!
Nakakahiya sa kanila.
"Nabuntis ka na nga lahat-lahat ay hindi ka pa din nasasanay. Nakailang jugjugan ba kayo ni Te-"
"Ate Zang!" pagpapahinto ko sa kanya pero tinawanan niya lang ako.
"Masanay ka na, Kyla." mahinahon na ngayon ang boses niya ng makapasok na kaming dalawa sa loob ng silid ko.
YOU ARE READING
Gangster Mission (Season 2) (Completed)
Mystery / ThrillerThey past are they hate so much. They want to forget it. But how can they forget if they know something unexpected they know? Revelation.