Chapter 127

373 16 27
                                    

⚠️ Slight.






Still Shainna PoV

"Shy..." pagtawag nilang lahat sa akin nang makita nilang kasama ko si Terrence na ngayon ay nangunguna sa paglalakad sa akin habang ako naman ay nakasunod lang sa kanyang likod.

Nakita ko kung papaano biglang nagbago ang exspresyon nang kanilang mga mukha na kanina ay may pag-aalala. Ngayon naman ay naging malamig na dahil kasama ko si Terrence.

Anong akala ninyo sa akin? Akala ninyo na ilalaglag ko si Kyla?

Ofcoure not! May iba akong plano na hindi ninyo alam. Na hindi alam na kahit sino dahil ako lang ang nakakaalam.

"The baby..." mahinang saad na bungad ni Terrence pagpasok sa emergency room.

Umiling lang sina Ate at Kuya Aldrin para bahagya kong makita ang pagkakakuyom ni Terrence sa kanyang mga kamao.

"Puwede bang iwan ninyo kami dito." mahinahon na pakiusap ko kina Ate at Kuya.

Wala na silang sinagot kundi ang umalis na lang. Naglakad ako patungo sa may couch at nakapandekwatrong babae akong umupo do'n.

"So, what's your plan now, Terrence?" tanong ko sa kanya at napabuntong hininga lang siya.

"I'm sorry..." mahinahon na sagot niya naman at napatingin siya kay Kyla na natutulog lang.

"Bakit ka nagso-sorry sa akin? Hindi ba dapat ay kay Kyla na nasaktan mo nang sobra. Antarantado mo." saad ko sabay iling.

Umupo siya sa gilid ng kama ni Kyla at hinawakan niya ang kamay nito.

"Inaamin kong tarantado ako." biglang saad niya sa mahinahon na boses.

Buti alam mo.

"Maging maligaya ka sana ng sobra sa piling nang mahal mong asawa." madiin na saad ko para mapalingon siya sa akin na may mahinahon na expression sa mukha kaya tinitigan ko siya nang matalim para mag-iwas siya nang tingin.

"Hindi mo alam kung gaano nasaktan si Kyla sa ginawa mo sa kanya. Dahil hindi mo lang siya sinaktan kundi niloko mo din siya. Sinabi ko na 'to sa'yo at sasabihin ko ulit sa'yo nang paulit-ulit hanggang sa matauhan ka." napayuko siya habang hawak pa din ang kamay ni Kyla.

"Hindi mo alam kung ano ang dinanas ni Kyla noong mga panahon na akala niya patay ka na talaga. Sinisi niya ang sarili niya ng sobra!" napakuyom naman ako nang mga kamao nang biglang bumalik sa alaala ko kung papaano sisihin ni Kyla ang sarili niya sa pagaakalang patay na si Terrence.

"Galit na galit ako sa'yo, Terrence! Kasi isa sa mga kaibigan ko, lalo na sa mga pinoprotektahan ko ay sinaktan mo ng sobra!" galit na saad ko.

"Si Kyla 'yung isa sa mga iniingatan naming lahat pero sinaktan mo lang siya!"

"Akala mo ba palalampasin ko ang ginawa mong pananakit sa kanya hah?" napaangat naman siya nang mga tingin at mahinahon pa din ang expression nang kanyang mukha. "Hindi. Hindi gano'n kadali dahil lahat nang galit ko sa'yo ay ibubunton ko sa asawa mo!" dahan-dahan akong tumayo at naglakad papalapit sa kanya. "Kaya binabalaan at pinapaalalahanan na kita na ingatan mo 'yang asawa mo dahil wala na akong pakialam kung mawalan nang Ina ang anak ninyo sa ganting gagawin ko para  kay Kyla na isa sa pinapahalagahan ko!" nakipagtitigan siya sa akin, at ako naman ay bahagyang tumalikod sa kanya at dahan-dahan na naglakad papalabas.

"Ingatan mo ang asawa mo dahil magugulat ka na lang na nasa harapan mo na ang asawa mo at naliligo sa sarili niyang mga dugo. Kilala mo ako Terrence. Isang Shainna Denniz Gutierrez ang ginalit mo." madiin na saad ko pa bago siya iwan do'n na hindi man lang alam kung ano ang reaksyon.

Gangster Mission (Season 2) (Completed)Where stories live. Discover now