Chapter 2

6.5K 229 20
                                    

Claire's POV


Nandito ako ngayon at nakikinig sa klase namin. I'm really bored to be honest. How I wish na sana tumunog na agad ang bell at nang makaalis nako dito hays.



*Tok tok tok*



Napalingon ako sa pinto pati narin ang iba at di ako makapaniwala sa nakikita ko. Ang SC Officers? Anong ginagawa nila dito?



"Excuse me sir, can we excuse Montecillo for a while? It's an urgent matter po." Magalang na tanong pa ng babae.



"Sure go ahead. Montecillo go and come with them."



"Y-yes sir." Tugon ko pa at mabilis na tumayo sa aking upuan.



Napatingin ako sa babae na nasa aking harapan habang naglalakad kami sa hallway.



"Um-uh. A-anong kailangan niyo sakin?" I asked them at sabay² silang napalingon sakin sabay ngiti.



"We want you to join the Student Council." Plain na saad nung isa na sa tingin ko ay ang Treasurer. Napahinto naman ako sa paglalakad sabay tingin sa kanila nang di makapaniwala.



"I don't know why you guys are doing this but I refuse." Saad ko pa sabay talikod sa kanila.


"H-hey wait!" Tawag pa sakin ni Lynn na siyang Student Council President kaya huminto ako at napatingin ulit sa kanila.



"We need you to join the council. We've heard about your good performance inside the class and I think you will be a big help to us too." Mahabang pahayag pa ni Lynn.



"Sorry pero ayoko talaga. Di niyo ako mapipilit so please humanap nalang kayo ng iba." Sagot ko sabay dire-diretsong naglakad palayo sa kanila.



Kahit crush ko yung President na yun ay ayoko parin no. And that was the first time na nagkalapit kami. The first time that I got to talk to her. But still I don't like interacting with people a lot. It annoys me.



Sakto namang tumunog na ang bell kaya dumiretso nalang ako dun sa tambayan ko sa may puno kung saan kita ang buong school grounds. Sa bahay nalang ako kakain mamaya tutal di pa naman ako gutom.



I'm listening to some music habang nakasandal sa puno at nag-iisip.



Bakit nga ba ako ang pinili nila? Marami namang iba na mas magaling dyan kesa sakin. Tsaka ginagawa ko lang lahat ng activities sa klase para sa grades. Nothing more.



If you notice, I don't talk to people that much. I have friends here in school but I prefer to be alone. Being alone calms me and it helps me think.



Nang may biglang naupo sa gilid ko kaya napalingon ako nang wala sa oras.


Shit. Si Lynn! Kalma heart.


"P-president? A-anong ginagawa mo dito?" Di makapaniwalang tanong ko. Never ko pa kase yang nakita na pumunta dito noon kaya nagtataka lang ako.



"Am I not allowed here?" Tanong din niya sabay taas ng isang kilay.



"I didn't say that. I'm just asking." Sagot ko sabay pikit ng mata at sandal uli sa puno.



"So, bakit ayaw mo sumali sa Student Council?" Rinig kong tanong ulit niya. I already turned off my music so.


"Ayoko lang. It's not my thing." Simpleng sagot ko. Shit! Ba't ba ang lapit niya? Parang sasabog na yung puso ko dahil sa lakas ng kabog nito.



"Are you sure wala nang makakapagbago ng isip mo?" Tanong ulit niya.



"I'm sure" At tumayo nako para umalis.


I hope na hindi ko siya na offend sa pag-alis ko. Hindi lang kase mapakali ang puso ko lalo na't nasa malapit lang siya.


Nagmukha kaya akong ewan habang kausap niya ako kanina?


Maayos kaya yung buhok ko?


Di naman siguro naging mukhang maldita yung tingin ko no?


Hays. Ba't ko ba yun inaalala?


Dami ko na ngang iniisip tas dadagdag pa to. Tsk.


_____________________________

Kakatapos ko lang gawin ang homeworks ko at kasalukuyang nakadukdok ang ulo ko sa study table ko dahil nakakapagod pramis.


"Claire bumaba kana dito kakain na!" sigaw ni mama mula sa kusina.



"Opo pababa na!" at nag-inat muna ako bago bumaba.


Habang kumakain kami ay kinuwento ko kay mama yung nangyari kanina sa school about sa Student Council.


"O bat di mo tinanggap?" tanong ni mama habang nakakunot ang noo.


"Ayoko ma. Nakakapagod kaya yun." sagot ko pa sabay subo ulit ng pagkain.



"Ikaw ang bahala anak." At nginitian ako kaya napakibit balikat nalang ako at pinagpatuloy ang pagkain.


_____________________________


Hoy gago saan ka kanina?
Sari at 8:04 Pm

Sa bahay lang why?
Me at 8:05 Pm

Bat di ka lumabas?
Sari at 8:06 Pm

Homeworks
Me at 8:07 Pm

Wow nemen hahahaha masipag!
Sari at 8:09 Pm

Baliw
Me at 8:10 Pm

Gala tayo sa Saturday?
Sari at 8:12 Pm

Ge
Me at 8:13 Pm



Di talaga ako mahilig mag reply nang mahaba. Nakakapagod lang at nakakatamad. Pero dahil bestfriend ko naman siya ay exemption nalang siguro minsan.


Wednesday palang ngayon pero nag-aaya na kaagad gumala sa Sabado hays. Di narin ako tumanggi kasi bored din ako eh.



Scroll scroll lang ako dito sa Facebook at tawa sa mga memes. Nagpapaantok lang talaga ako. Kesa naman malunod na naman ako sa mga iniisip ko.



Pero seriously bakit kaya ako ang pinili nila kanina para dun sa Student Council kuno. At teka, bakit sila naghahanap ng bagong member kanina? May natanggal ba sa puwesto or umalis? Hays ewan. Wala akong pake.



Napatingin ulit ako sa cellphone ko nang tumunog ito. Facebook notification lang pala. Pero teka...



Friend request to ni Lynn. Hala bat naman biglang nag add yun? Inaccept ko nalang at pinatay na ang cellphone para matulog.



Gusto ko sanang kiligin pero inaantok na talaga ako eh.








Lost Soul (GxG) [Completed]Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon