Claire's POV
"San ba talaga tayo pupunta love?" I asked confusingly. Bigla nalang kasi akong tinangay ng maganda kong girlfriend.
She's driving right now and I don't know kung saan niya ako dadalhin. "Relax ka lang love. I'm sure magugustuhan mo dun." Nakangiting sabi nito.
Napaisip tuloy ako kung saan talaga kami papunta. Parang kanina pa kase kami dito sa daan.
Wala ring saysay kung mag-iisip pa ako. Malalaman ko din naman pagdating namin dun.
Hinawakan niya ang kamay ko at ngumiti. "Don't worry na okay? Maganda dun,
I promise." Tumango nalang ako at ibinaling ang tingin sa labas ng bintana.
Puro puno nalang ang nadadaanan namin but not in a creepy way. Napakaganda ng view at nakaka-relax siya.
I opened the window at agad na napapikit nang malanghap ko ang napaka-preskong hangin. I unconsciously smiled.
I like this feeling.
I looked over my shoulder only to see a pair of brown orbs lovingly staring at me. I just remembered that this is on my bucket list.
Yung makasama ang taong mahal mo sa ganito kapayapang lugar.
I mouthed her 'Thank you' at tumingin ulit sa labas habang nakangiti.
_____________________________
We're here sa parang hotel dito sa gubat. It's made of woods in a modern style. Parang ang ganda tumira sa ganito.
I didn't know that such place exists.
Mukhang mahal din dito kahit na nasa kagubatan. And also medyo may karamihan ang tao na nandito which surprised me the most.
Kumuha si Lynn ng isang room para sa'min.
Wait....
Di ata ako na-inform na mag-iistay kami sa gubat? Wala pa naman akong dalang damit.
Akala ko may pupuntahan lang kami at uuwi agad but no.
Nagpunta na kami sa room namin and it was so pretty. Ang ganda ng pagkaka-design.
"Ano palang gagawin natin dito love?" I asked.
"We're here to unwind. Wala muna tayong iisipin bukod sa sarili natin." Seryoso ba siya? Di pa naman ako nakapag-paalam kay Mama at mukhang walang signal dito.
"Nagpaalam na ako kay Tita so don't worry." Buti naman.
"Wala akong dalang damit love. Di mo naman kase sinabi na may bakasyon tayo" Napanguso ako nang maalala ito.
Niyakap niya ang batok ko at tumawa siya nang mahina. "May tinda naman dito so relax ka lang."
May nagtitinda sa gubat? Ang galing nun.
I gave her a peck on the lips at nagtungo kami sa may veranda. Meron kasing mini veranda dito. Kita mo ang nagta-taasang puno at magagandang bulaklak.
Medyo malamig at foggy na din dahil pagabi na.
"Love picture muna tayo." Binigay niya ang cellphone niya sa'kin at niyakap ang bewang ko.
Inakbayan ko din siya at itinutok ang camera sa'min. Background namin yung mga puno.
"1...2...3...Smile!"
BINABASA MO ANG
Lost Soul (GxG) [Completed]
RomanceThis is my first time writing a story. This is a GxG story so if you're not comfortable then don't bother reading it. •Proper credits to the owners of the media used in this story. The characters in this book are entirely fictional. Any resemblance...
![Lost Soul (GxG) [Completed]](https://img.wattpad.com/cover/283403547-64-k347364.jpg)