Claire's POV
Hanggang ngayon ay di pa rin ako makapaniwala sa mga nangyari.
And hindi yung about sa'min ni Lynn.
Here's what happened.
Flashback
"What time ka pupunta dito love?" Tanong ni Lynn. We're on call right now.
"Maliligo muna ako then pupuntahan agad kita okay?"
"Alright be careful. I love you." She sweetly said and there's the soothing feeling again whenever she tells me that.
"I will. I love you more." And she hanged up.
Papasok na sana ako ng CR ng may bigla namang kumatok sa pinto.
Sino naman kaya to? Si Sari? No, papasok agad yun eh.
Nagmadali akong pumunta sa pinto at agad na binuksan ito.
Hindi agad ako nakakilos nung makita kung sino ito. Naka simpleng damit lang ito pero halatang mamahalin.
Papa?
Pero anong ginagawa niya dito? Naaalala pa pala niya kami?
Ang lakas ng loob niyang magpakita dito ngayon at para bang wala siyang kasalanang nagawa noon samin.
"C-Claire, anak." Mahinang sambit nito.
Anak? Anak nga ba talaga ang turing niya sa'kin? Well, anak pa rin naman niya ako kahit pagbali-baliktarin pa ang mundo.
"Anak sino yang bisita mo at bakit di kayo pumasok sa loob?" Nagtatakang tanong ng kadarating lang na si Mama.
Dahan-dahang lumingon si Papa at nakita kong natigilan rin si Mama.
Katulad ko ay hindi din siya makapaniwala na nandito nga si Papa sa harap namin ngayon.
Biglang naging blanko ang tingin ni mama. "Sa loob tayo mag-usap."
——————————————————
I immediately texted Lynn na hindi muna ako makakapunta dahil may biglaan akong gagawin. And luckily she understands daw at mag-ingat lang ako.
I'm really thankful for her.
But right now I need to focus dito sa bahay.
Nandito ako sa hagdan at nakikinig ako sa usapan nila. Gusto ko lang marinig kung anong sasabihin ng tatay ko.
"Ano ba talagang sadya mo dito?" Ramdam kong nagtitimpi lang ng galit si mama.
Sumilip ako at nakita kong unti-unting lumuhod si Papa. "Clara patawarin mo sana ako sa nagawa ko dati. Patawad kung iniwan ko kayo ng anak natin. Alam kong nagkamali ako noon. Maling-mali ako. Natakot lang talaga ako. Natakot ako na baka hindi ako maging mabuting magulang sa anak natin. Alam kong walang kwenta ang rason ko pero nagsisisi na ako. Gusto kong mabuo ang pamilya natin. Magsimula ulit tayo. Please."
BINABASA MO ANG
Lost Soul (GxG) [Completed]
Roman d'amourThis is my first time writing a story. This is a GxG story so if you're not comfortable then don't bother reading it. •Proper credits to the owners of the media used in this story. The characters in this book are entirely fictional. Any resemblance...
![Lost Soul (GxG) [Completed]](https://img.wattpad.com/cover/283403547-64-k347364.jpg)