Chapter 17

3.7K 132 0
                                    



Claire's POV


"Ito nalang piliin mo! Mas maganda naman to eh!" Naiirita na si Sari dahil kanina pa kami dito sa mall para mamili ng ireregalo kay Lynn. Malapit na kase ang Birthday niya.




"No. Yung mas cute dyan hanapin mo." Nagpapadyak itong umalis kaya medyo natawa ako.




Wala naman kase akong ibang pwedeng isama kundi siya. And siya lang naman yung maganda kasama sa mga ganito.





After a few hours ay natapos din kami sa pagpili at bumili din siya ng mga natipuhan niya.




"Saan daw gaganapin ang Birthday Party ng jowa mo, ha?" Tanong niya habang ngumunguya.





"I don't know yet. Wala pa namang nabanggit."





"Paniguradong napaka-bongga ng party na yan." Tumango lang ako sa kanya because she's right naman.





And I'm sure na maraming mayayaman ang pupunta dun. Excited ako para sa birthday ni Lynn but at the same time ay natatakot din akong pumunta.





"Bilisan mo na dyan para makauwi tayo." It's almost 6 Pm na din kase.


_____________________________

Agad akong nahiga sa kama ko pag-uwi dahil sa pagod. Ilang oras kase kaming naglibot sa loob ng mall.



Hindi ko na din nagawang I check ang phone ko dahil agad na akong nakatulog.




'What is this? It feels like there's something beside me.



Is this something or someone?



Wait what? Someone???



Dahan dahan kong minulat ang mata ko kahit na inaantok pa at tsaka tinignan ang nasa tabi ko.


Agad na nanlaki ang mata ko at agad na bumangon.




Lynn.




What is she doing here? As far as I remember, natulog akong mag-isa last night. And hindi naman kami nagkita buong araw.





So how did she end up here?





Pinagmasdan ko lang muna siya and I made sure na hindi ako nananaginip.





Marahan kong hinaplos ang mukha nito and kissed her forehead. She looks beautiful even when she's asleep.




Masyadong mahimbing ang tulog nito kaya bukas na lang siguro ako magtatanong.




I checked my phone para tignan ang oras and it's only 2 Am. And I got lots of missed calls and texts from her.




Di ko alam kung matutulog pa ba ulit ako or maghahanda na para sa eskwelahan mamaya.




Sa huli ay napagdesisyonan kong maghanda nalang para hindi kami masyadong matagalan mamaya.




Pagkatapos kong maligo at magbihis ay bumaba na ako para magluto ng agahan. Simpleng pritong itlog tsaka longganisa yung niluto ko at nagsaing na din ako ng kanin.




Saktong pagtapos ko ay nagising si mama.





"Sobrang aga mo ata ngayon 'nak?" Natatawang tanong ni mama.





Lost Soul (GxG) [Completed]Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon