Claire's POV
Flashback>>>
"Claire? Juskong bata ka! Anong nangyari at nagdurugo yang ilong mo? Sabi ko naman sayong wag ka mu— Claire?! Anak?!Wil—"
Yun ang huli kong narinig kay Mama bago ako tuluyang kinain ng dilim.
Nung nagising ako ay nasa Hospital na ako. Hindi ko magawang bumangon dahil nanghihina parin ako and I don't know why.
Saktong bumukas ang pinto at pumasok sila Mama kasama ang isang nurse. Nung napansin ni Mama na gising na ako ay agad itong lumapit sa'kin at niyakap ako.
"Claire, salamat at gising ka na anak. Sobra kaming nag-alala sayo"
"T-tubig..." Nanunuyo kase ang lalamunan ko. Mabilis pa sa alas-kwatrong nag-abot si Papa ng tubig sakin at tinulungan nila akong makainom.
Yung nurse ay nagsimulang kalikutin yung mga nakakabit sa katawan ko.
"Kamusta ang pakiramdam mo 'nak?" Tanong ni Papa habang nag-aalalang tumingin sa'kin.
Sasagot na sana ako nang biglang may kung anong kumislot sa ulo ko na siyang nagpahiyaw sa akin dahil sa sakit.
"Claire?! Anong nangyayari sayo?!!...Nurse anong nangyayari sa kanya?!" Sunod-sunod na tanong ni Mama.
Napasabunot ako sa buhok ko at mariin na ipinikit ang mga mata dahil hindi ko kinakaya ang sakit. Parang may tumutusok at pumupukpok sa ulo ko ng sabay.
"Kumalma lang po muna kayo Mam. Bibigyan ko muna siya ng pain reliever at pampakalma tsaka tatawagin ko si Doc papunta dito." Sabi ng nurse at naramdaman kong may ini-inject siya sa'kin na kung ano.
Di nagtagal ay nakaramdam ako ng antok at unti-unting nawawala ang sakit.
"Mukhang umeepekto na po ang gamot. Antayin niyo nalang po dito si Doc." Yun ang huli kong narinig na sabi ng Nurse bago ako tuluyang makatulog.
———————————————————
"Sasabihin ba natin sa kanya?"
"Oo dahil kailangan."
"Pero pano kung hindi siya pumayag? Ayokong mawala ang anak natin Wil"
"Hindi siya mawawala okay? Ipaintindi lang natin sa kanya ng mabuti."
What are they talking about? Ipaintindi sa'kin ang alin?
"M-Ma..." Tawag ko sa atensyon nila at bakas sa mga mukha nito ang gulat.
"K-kanina ka pa ba gising?" Tanong ni Papa kaya tumango lang ako. Nagkatinginan pa silang dalawa at parang nag-uusap ang mga mata nila at mukhang problemado.
"M-may dapat po ba akong malaman?" Lakas loob na tanong ko.
Hinawakan ni Mama ang kamay ko at marahan itong pinisil. "W-wag ka sanang mabibigla anak..."
BINABASA MO ANG
Lost Soul (GxG) [Completed]
RomanceThis is my first time writing a story. This is a GxG story so if you're not comfortable then don't bother reading it. •Proper credits to the owners of the media used in this story. The characters in this book are entirely fictional. Any resemblance...