Chapter 6

5.5K 180 6
                                        

Claire's POV


"So....what are we now?" Nahihiyang tanong ni Lynn sakin while nakaupo padin sa lap ko.



"Ewan ko hahaha! Liligawan nalang muna kita." Nakangiti kong pahayag which made her blush again.




"N-no need no! Papayag naman akong maging girlfriend mo agad eh!" Geez ang cute niya mag pout.




"Seriously? Well kung ganun ay liligawan nalang kita araw-araw kahit girlfriend na kita." She just nodded and rests her head on my shoulder. Now ay talagang kinikilig nako hahaha.




"W-we're girlfriends now...That means bawal ka nang humanap at lumandi ng iba got it?!" Napatango-tango nalang ako ng wala sa oras. Wala naman akong ibang gusto kundi siya lang.




"Yes boss! Ikaw lang lalandiin ko" I just kissed her cheek which made her smile.



"So let's go?"Aya niya sakin kaya tumayo nako at sabay na kaming umalis.




Daming nakatingin na estudyante samin ngayon habang naglalakad. Well because we're holding each other's hand while walking. And also because she's our SC President kaya talagang mapapatingin sila.




"Hintayin mo ko mamaya sa gate ha? May gagawin lang muna kami sa council" Tumango nalang ako then I kissed her forehead.




Ansaya ng araw na to Lord! Thank you talaga! Expect the unexpected talaga no?




Sino ba naman kaseng mag-aakala na yung dating taong kay tagal kong pinangarap ay abot-kamay ko na ngayon. And she's even my girlfriend now!




Di tuloy mawala-wala tong ngiti ko that makes everyone wonder why. Ngayon lang naman kase ito.




"Ansaya natin ngayon ah?" Sabay akbay sakin ng classmate kong si Sandra. Di nalang ako sumagot because they didn't need to know.




"Usap-usapan kayo ni Pres kanina. May pa holding hands pa ayieeee" Tukso niya sakin kaya naalala ko na naman tuloy yung kanina at kinikilig ako leche!




"May problema ka ba dun?" Tanong ko sa kanya.



"Wala ah! Ang cute niyo ngang dalawa eh!" Agad namang sagot niya sabay nguso.



"Good. Una nako sayo." Paalam ko at nagmadaling pumunta sa gate.



_____________________________



Nag scroll lang muna ako dito sa Facebook habang hinihintay ang Girlfriend ko dito sa gate. Ansarap sa tenga na matawag siyang girlfriend ko.




"Hi Claire!" Biglang sulpot naman ni Mia out of nowhere.




"Oh Mia! Kamusta?" Bati ko sa kanya. Nakangiti na naman siya and it's seriously making her more attractive.




"Okay lang naman. Namiss kita." Bigla niya nalang akong yinakap which made me froze for a second.



"Johan!!" Napabitaw naman agad si Mia sakin dahil sa gulat.



Shit! Si Lynn! Ang bad timing mo naman Mia. Para tuloy akong maiiihi sa takot na baka anong mangyari.




"A-ah Ikaw pala L-lynn" Kinakabahang turan ko. Nanginginig talaga ang tuhod ko pramis.




"Hi Lynn!" Masayang bati naman ni Mia. Shit talaga! Wala palang alam tong si Mia!




Hindi siya pinansin ni Lynn at bigla-bigla nalang akong hinila. Nilingon ko nalang ulit si Mia with an apologetic look and I think gets niya naman yun.




Nandito na kami ngayon sa tapat ng kotse niya. Pero teka? Anong gagawin ko? Aalis ba kami? She opened the car door for me.




"Sakay!" Napatalon naman ako sa gulat kaya wala sa oras na sumakay ako. Umikot naman siya sa kabila at sumakay din.




Nakakatakot yung itsura niya ngayon. Magkasalubong pa rin ang kilay niya nang tumingin sakin.




"U-uh Lynn okay k-ka lang ba? Kinakabahang tanong ko. Natatakot talaga ako eh!



"Mukha ba akong okay?! Ha?!" Singhal naman niya kaya napapikit nalang ako dahil sa lakas ng boses niya.




"A-a..E-eh.. A-anong p-problema mo pala?"



"Ikaw!" Ha? Ako? Pano naman niya ako naging problema? Okay naman kami kanina diba?



Kabago-bago pa nga lang namin tapos away na agad. Naku naman!



"Why is that Mia hugging you ha?!!" Naiinis na tanong ulit niya.



"W-wala lang naman yun." Yun ba ang ikinagagalit niya? Nagseselos siya?



"Anong wala lang? Magkayakap kayo tapos wala lang?" Mariing tanong niya na siyang lalong nagpakaba sa'kin.




"S-siya lang naman yung yumakap eh. Nabigla lang talaga ako." Sagot ko sa mababang tono habang nakayuko.



Ayokong salubungin yung titig niya dahil feeling ko maiiyak ako ng wala sa oras.



Ayoko ng ganitong pinagbibintangan ako.



"I-I'm sorry" I apologized.



I feel like I need to apologize over and over again.




"I'm really sorry love" Ulit ko dito tsaka siya tinapunan ng tingin.




"W-what did you just call me?" Lumambot na ang ekspresyon niya ngayon at namumula siya.




"Alin dun? Yung love?"





"I like it! From now on yan na itatawag mo sakin." Nakangiti niyang sabi.




"Got it love!" Nginitian ko nalang din siya. Mukhang hindi na din naman siya galit.




"I'm sorry din pala. Nadala lang ako ng emosyon ko." Paliwanag niya kaya hinawakan ko nalang ang kamay niya and told her that it's okay at naiintindihan ko.




Nag-usap pa kami ng ilang minuto bago ko naisipang umuwi.




"U-uh uuwi na pala ako love baka hinahanap nako ni mama." Paalam ko sa kanya at aktong lalabas na ng kotse niya pero pinigilan naman niya ako.




"W-wala ka bang nakakalimutan?" Tanong niya kaya chineck ko naman yung dala ko.




"Wala naman love. Sige na uwi nako ha?" This time ay hinila niya talaga ako kaya napalapit tuloy ako sa kanya.





"Idiot." Saad niya then she cupped both of my cheeks and planted a soft kiss in my lips.




Nagdikit lang naman yung mga labi namin for a second but that is enough to make my whole body freeze.





"Mag-iingat ka pauwi." She softly said to me kaya napangiti nalang ako.




"Ingat ka din love. See you tomorrow."




Hindi mawala-wala ang ngiti ko hanggang makarating sa bahay. Pati si mama tuloy nagtakaka at tinanong pa ako kung nag da-drugs ba daw ako hahahhaha! Kung alam mo lang ma! Ibang drugs to.




Sasabihin ko din naman kay mama but not now. Mamaya nalang siguro kapag ready nadin si Lynn na makilala si mama.




I somewhat feel complete now and I think it's because of her.




I feel like I've finally been found after getting lost for so long in this world.




I'll do anything to make our relationship work. Thank you talaga Lord!







Lost Soul (GxG) [Completed]Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon