Play the media above while reading this chapter para mas ramdam niyo yung nararamdaman ni ano 🌟———————————————————
Claire's POV
I'm on my way papunta sa unit ni Lynn. Medyo kinakabahan din ako dahil hindi ko alam kung anong mangyayari pagkatapos ng sasabihin ko sa kanya.
And I have a bad feeling about this.
May kung ano sa loob ko na hindi mapanatag kahit anong pagpapakalma ang gawin ko.
Pagdating ko sa building ay agad na sumakay na ako sa elevator papunta sa floor niya.
Habang palapit ng palapit ako sa unit niya ay mas lalo lang akong kinakabahan and I don't know why.
Inabot ako ng limang minuto na nakatayo sa harap ng pinto ng unit ni Lynn. Parang ayaw ng kamay kong kumatok but I need to.
Huminga muna ako ng malalim bago kinatok ang pinto.
This is it!
Di nagtagal ay bumukas din ang pinto at bumungad sa'kin ang magandang mukha ni Lynn.
"H-Hi." Shit. Bat ba ako nauutal? And bakit feeling ko first time ko lang makapunta dito?
"Pasok ka." Aya niya at binigyan ako ng tipid na ngiti.
Huh? Bat parang may mali?
Pinaupo niya ako sa single couch sa living room niya at kumuha muna siya ng tubig sa kusina.
It feels strange.
Bumalik siya na may dalang isang basong tubig. "Here. Inom ka muna." Agad ko iyong tinanggap dahil pakiramdam ko ay kailangan ko talaga yon.
Naupo siya sa tapat ko at nakatingin lang siya sa lamesa at parang may malalim na iniisip.
The atmosphere feels so heavy. I know that something's not right.
"Johan"
"Lynn"
Sabay na sabi namin kaya nagkatinginan kami pero agad din itong nag-iwas ng tingin.
"Y-you go first." Mas mabuting pakinggan ko muna siya bago ko sabihin yung pakay ko.
I saw her rubbing her thumbs together which means that she's feeling nervous and uncomfortable.
"H-hey take a deep breath. Kumalma ka muna. You can tell me anything." Pagkumbinsi ko sa kanya pero kumuyom lang ang kamay nito at hindi sumagot.
Bat parang ang bigat agad ng pakiramdam ko?
"Let's end this."
Huh?
What did she just say?
"A-ayaw mo na m-munang mag-usap tayo? S-sige sa susu-"
Nagulat ako sa biglaang paghampas niya sa lamesa kaya di ko na natapos ang sasabihin ko.
"Don't play dumb! I know you heard me." Napapikit ako sa lakas ng boses niya.
Yes I know what she meant but I don't want to believe it. I don't want to.
"M-may problema ba?" Nagawa ko paring itanong sa kanya kahit na parang naiiyak na ako.

BINABASA MO ANG
Lost Soul (GxG) [Completed]
Любовные романыThis is my first time writing a story. This is a GxG story so if you're not comfortable then don't bother reading it. •Proper credits to the owners of the media used in this story. The characters in this book are entirely fictional. Any resemblance...