Chapter 8

4.5K 160 2
                                        

Claire's POV

Namangha ako sa ganda at laki ng bahay nila pagkapasok namin. Ang ganda din ng mga gamit at halatang mamahalin lahat!


"A-ang ganda ng bahay niyo love!" Nakangiti kong saad habang nililibot parin ang paningin sa loob.


"Thanks but let's go to my room." At hinatak niya na naman ako paakyat sa kanilang 2nd floor.


Puro pinto ang makikita dito which I think ay puro kwarto din.


Huminto kami sa kulay pink na pinto na may nakasabit pa na "Do not disturb!" sign. Ang cute lang hahaha! Pero di ko masyadong gusto ang pink eh.


Pagbukas niya ng pinto ay mas lalo naman akong namangha. More on pink yung kulay ng kwarto niya pero ang ganda ng designs!
Mas malaki pa tong kwarto niya sa bahay namin eh!


"Wait me here. Magpapalit lang muna ako." Iniwan na niya ako dito at nagtungo siya sa banyo I think.



Naglakad lakad muna ako dito at tinitignan bawat gamit niya dahil ang gaganda lang talaga! May mga pictures siya together with her family at may childhood pictures din siya.


"Get your notes and let's start studying." Nabigla naman ako ng bigla siyang nagsalita sa likod ko.


Galit pa rin ba siya? Di niya pa ako tinatawag ng 'love' ulit. Tsaka di pa siya ulit ngumingiti eh. Hays ano bang gagawin ko?


Kinuha ko nalang yung mga notes ko sa bag at sinunod siya. Magkatapat kaming nakaupo sa round table niya.


Mamaya ko nalang siguro siya susuyuin. Mas importante muna ang mag-aral ngayon.

_____________________________

"Finally! Natapos din!" Nag-iinat ko pang sabi. Grabe ang sakit sa ulo!

Bigla nalang siyang tumayo at lumabas.

'Teka san pupunta yun?'


Sinubsob ko muna ang mukha ko sa table dahil nakakapagod talaga. My brain is pretty much drained!


"Here let's have some snack." Pag-aaya pa sa akin ni Lynn. Di ko man lang namalayan na nakabalik na pala siya. At may dala pang pagkain!


"Salamat love!" Kumuha na ako ng cookies tsaka juice.


"It tastes good!" Masayang compliment ko. Pero di man lang niya ako tinapunan ng tingin.



"Love galit ka parin ba sakin?" Nag-aalalang tanong ko. Well I'm really worried now.


Kanina kase ay sobrang seryoso lang kaming nag-aral. Yun bang 'put our relationship aside' muna.


And again di man lang niya ako sinagot. Bukas ko nalang siguro siya kakausapin. Kung ayaw niyang makipag-usap edi hindi. May bukas pa naman.

"Uuwi na ako Lynn. Baka hinahanap nako ni mama." Paalam ko sa kanya at nag-ayos na ng mga gamit ko tsaka tumayo.


"N-no wait!" Pagpigil niya sakin. Akala ko ba ayaw niya kong kausapin?



Agad ko siyang hinarap ulit pero nakayuko lang siya.

"May kailangan ka pa ba?" I calmly asked.

She suddenly ran towards me and hugged me tightly. Tas bigla ko namang narinig ang mahinang paghikbi niya. Naguguilty na naman tuloy ako! But what did I do? Nagpaalam lang naman akong uuwi na diba?


"H-hey ba't ka umiiyak love? Did I say something wrong? Hush now, I'm sorry." Pag-aalo ko sa kanya pero mas lalo lang lumakas ang iyak niya! She hugged me even tighter kaya marahan ko nalang hinaplos ang likod niya.


"Shhhh tahan na love. Andito lang ako." Unti-unti narin siyang tumitigil kaya iginiya ko nalang siya pabalik sa couch niya.


I also wiped her tears with my hanky. Di ko parin maiwasang mamangha sa ganda niya. She looks perfect to me.



"Now, can you tell me what's bothering you?" Marahan kong tanong sa kanya while cupping both of her cheeks.


"I-i'm sorry for how I acted earlier. That was childish of me. N-nagselos lang ako ng makita ko kayong magkasama ni Mia." Paliwanag niya sakin which made me smile.


I love that she gets jealous too. But I'm happy that she apologized and knew that how she reacted was wrong. But I understand naman.



"I forgive you okay? I understand na nagselos ka lang but next time ask me first what's going on before jumping to conclusions okay? Ang hirap kaya pag di moko kinakausap!" She just giggled and gave me a peck on my lips.

"I will." Nakangiti niyang sabi. I keep on falling for her everytime she smile.

"Mam kakain na daw po!" Sigaw ng kung sino man mula sa labas ng kwarto niya. I think kasambahay nila.



"Dito kana kumain love. Ipapahatid nalang kita pauwi." I just nodded at her as a response at bumaba na kami while holding each other's hands.


Pagkarating namin sa dining area ay bigla namang napahinto si Lynn kaya napatingin ako sa kanya ng may pagtataka.


Lynn looks confused too. "Mom? Dad? I thought hindi kayo makakauwi tonight???"


Wait what??? Ano daw?? Mom at Dad niya???? Dahan-dahan kong nilingon ang parents niya and I can feel my whole body shaking.


Binitawan ni Lynn ang kamay ko at hinalikan ang parents niya sa cheeks. "Maaga natapos ang meeting anak kaya nakauwi kami ng mom mo." Paliwanag ng dad niya while smiling.


"And you didn't tell me na may bisita ka pala anak" Nakangiti ring sabi ng mom niya while staring at me.


Kinakabahan ako at nahihiya right now. Uuwi nalang siguro ako. Natatakot ako sa parents niya kahit na mukha naman itong mababait.


"Come join us iha." Aya ng dad niya sakin.



"A-ah yes po sir!" Agad na sagot ko. Leche naman! My mind is a whole mess! I can't think properly right now.



Hindi naman ako nainform na mapapaaga pala ang aking 'meet the parents'!



Lynn held my hand at pinaupo niya ako sa tabi niya. My heart keeps beating faster and faster.


Pinaghain ako ni Lynn ng pagkain at lalo lang nadagdagan ang pagkakaba ko. Baka kung anong isipin ng parents niya! Mapapahamak talaga kami!



"So what's your name iha?" Panimula ng Mom ni Lynn.



"C-Claire po. Claire Johan Montecillo." Kabadong sagot ko.


"Nice name. What course are you taking?" Tanong naman ng Dad niya.



"Engineering sir." I saw both of them smiled.




"Drop the formalities iha. Just call us Tito and Tita."




Am I hearing it right?? Yun na daw itatawag ko sa kanila??? One step closer nako sa good side nila?? Si Lynn naman ay kalmado lang na kumakain while smiling. Hindi ba siya natatakot?



"Ngayon ko lang siya nakitang dinala mo dito anak ah? Is she your new fri-"



"No dad she's my girlfriend."


I felt like my whole world just stopped. Para akong hihimatayin sa nerbyos.


Now I'm doomed.




Lost Soul (GxG) [Completed]Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon