Chapter 29

3.6K 122 6
                                        

Lynn's POV



Excited na gumising ako today because I'm finally seeing my girlfriend again later after waiting for a week.




Pakanta-kanta pa ako habang naliligo at tsaka nagbihis and hindi mawala-wala ang ngiti sa labi ko. I can feel my heart racing just thinking about meeting her later.





Nang matapos akong mag-ayos ay kumuha nalang ako ng sandwich at agad na umalis ng unit ko.





Di na ako makapaghintay na makita siya ulit. Marami-rami din akong kailangan itanong sa kanya. I really really really missed her.





I checked her parking spot pagdating sa school and immediately smiled when I saw her Bike. Nauna na ata siya sa classroom nila.




Nagmadali akong umakyat sa building namin at nagbabakasakali lang na makita ko siya bago mag start ang classes.




Pagdating ko sa room namin ay kanya-kanyang bati ang mga kaklase ko sa'kin at nginingitian ko lang sila.




Iniwan ko lang ang bag ko sa upuan ko tsaka lumabas papunta sa classroom ni Johan. Lakad takbo ang ginawa dahil sa excitement.




Huminga muna ako ng malalim bago sumilip sa room niya. Agad ko siyang nakita na nakatungo sa lamesa niya habang may earphones na nakakabit sa tenga niya.





Natutulog kaya siya? Maybe.




Gusto ko na siyang makausap ulit but I need to go back dahil malapit na magsimula ang klase.




Habang pabalik, I saw Ethan walking towards my direction while waving his hand.




"Oh Pres! Don't forget the meeting mamaya sa ibang school." Ako pa talaga ang ni-remind niya eh sila nga tong madalas makalimot.





I just rolled my eyes on him and said "Yeah alam ko."





I'll be busy again but I'll definitely make time for my girlfriend.




———————————————————


Pagkakita ko kay Johan ay agad ko itong niyakap ng mahigpit. "I missed you so much!"




I was waiting for her to hug me back pero tinapik lang niya ang likod ko at agad na kumalas.





What was that? And she's not gonna say anything?





Hinalikan ko nalang ang pisngi niya and ignored it.




Naupo siya sa harap ko and hinanda ko na yung mga pagkain na binili ko.





"Let's eat." Nakangiting aya ko at agad  siyang kumuha ng pagkain without even looking at me.




Why did that hurt me?





"How's your classes?" Iniba ko nalang ang usapan para madistract ako.





"Okay lang." Maikling sagot ni Johan at sumubo ulit ng pagkain. Gutom ba talaga siya? And pansin kong parang wala siyang tulog because of the bags under her eyes.





"Um...Bakit ka pala absent for a week?" Bigla siyang napahinto sa tanong ko and kita ko ang paghigpit ng hawak niya sa kutsara.





"May inasikaso lang." Wait, that's it?! Yan lang isasagot niya?





"Gaya ng alin?"





Lost Soul (GxG) [Completed]Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon