Chapter 27

3.7K 123 2
                                        

Claire's POV




2 days na akong absent.




I hate being absent in class pero hindi ko talaga kaya dahil may lagnat ako.





My head feels like breaking into two. Sobrang sakit na siyang ikinahihilo ko kapag tumatayo.





1 week after my birthday nung nagkasakit ako.





Hindi ko din sinabi kay Lynn ang dahilan kung bakit hindi pa ako nakakapasok. I just told her na may importante pa akong ginagawa sa bahay.





I don't want to worry her.





Napapikit ako ng mariin dahil sa biglaang pagkirot ng ulo ko. Fuck this!





Narinig kong bumukas ang pinto ng kwarto ko. "Hindi parin nawawala ang lagnat mo 'nak? Dalhin na kaya kita sa hospital?" Si Papa pala.





"N-no, ayoko po. Mawawala din ito." I really don't like going to hospitals.






Napansin kong may dala din siyang lugaw tsaka gamot.






"Sigurado ka ha? Oh eto kumain ka muna para makainom ka ng gamot." Dahan-dahan akong bumangon para maupo.





Parang umikot agad ang paligid ko. Nakakainis talaga magkasakit.





"Salamat po."





"Inumin mo agad yang gamot mo pagkatapos kumain. Babalikan ko nalang yang pinagkainan mo." Tumango ako at lumabas na si Papa.






Ramdam ko talaga yung init ng buong katawan ko at panghihina but I can manage.






Nagsimula akong kumain pero wala din naman akong panlasa.






Parang masusuka agad ako kahit na konti palang yung nakakain ko. But I guess that's enough.






Ininom ko nalang yung gamot at nahiga ulit. I'm so exhausted.






Makakatulog na sana ako ng maramdaman kong nasusuka talaga ako. Agad akong bumangon at pinilit na makarating sa CR ng kwarto ko kahit na nanghihina pa ako.






Napaluhod ako sa harap ng bowl at doon nagsuka. Ang sakit sa tyan bwiset.






I hope I get better soon.





———————————————————



Kinabukasan ay medyo magaan na ang pakiramdam ko kaya I decided na pumasok na ulit. I don't wanna miss any more lessons.





"Nak bukas kana pumasok baka mabinat kapa eh." Ayaw talaga akong paalisin ni Mama ng bahay but I understand her naman.





"Ma, okay na po talaga ako. Tatawagan naman agad kita kapag may nangyari. Madami na akong absent." Napabuntong hininga nalang si Mama at umiling.





"Ang kulit mo talagang bata ka. O'sya sige! Basta tawag ka agad kapag di mabuti ang pakiramdam mo. Mag-iingat ka okay?" Napaka-maaalalahanin talaga ni Mama oh.






"Opo. Alis na ako." Naglakad na ako palabas ng bahay at kinuha ang Bike ko.




Bago pa ako makapag-pedal ay bigla namang nag-ring ang cellphone ko kaya chineck ko kung sino ang tumatawag.


Lost Soul (GxG) [Completed]Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon