Chapter 21

5.1K 150 19
                                        



Claire's POV




"So, can I go?" Tukoy ko sa alok ni Sophie kanina.




Nandito ako sa unit ng girlfriend ko at naikuwento ko na din kase kay Lynn yung nangyari kanina at todo check niya kung okay lang ba talaga ako. Ang sweet lang.





"Do you really need to go?" Tanong niya at nagpatuloy na sa pagkain.





Napakamot nalang ako sa batok ko. "Naka oo na kase ako love."




"Okay fine pero siguraduhin mong hindi ka lalandiin nung Sophie na yun ah. Wala akong pake kahit na magkaibigan pa ang pamilya namin."




Anong konek nun? Magkaibigan lang naman kami nung tao.





"Sige love. And magkaibigan lang naman kami."






Biglang naningkit ang mata nito at mariin akong tinignan. "Remember na dyan din tayo nagsimula Johan, And I trust you but not her." May diin ang bawat salita nito and she walked out after saying that.





She called me by my name. Nainis talaga ata yun.





I get her point naman but alam ko ang ginagawa ko. Hindi ako gagawa ng bagay na ikasisira naming dalawa.





Niligpit ko na ang pinagkainan namin at hinugasan ang mga ito.





Kinatok ko ang pinto ng kwarto niya pero hindi ito sumasagot.





"Love? Galit ka pa ba?" Hindi pa rin siya sumasagot kaya kinuha ko ang spare key sa taas ng refrigerator at agad na pumasok.




There I saw her lying in bed habang yakap ang stuff toy na binigay ko sa kanya nung birthday niya at naka earphones pala ito.





Naupo ako sa gilid niya at hinawakan ang kamay nito tsaka ito nagmulat ng mata.




"Are you still mad?" Marahang tanong ko dito.




Bumangon na din siya at tinanggal ang earphones. "I'm not mad okay? I just... It's just...I'm afraid to lose you."




I cupped both of her cheeks and stare into her eyes. "But there's nothing to be afraid about."




Hinawakan niya ang kamay kong nasa pisngi niya at pumikit. "I just love you so much and you know that."





"I know and I love you more." She immediately captured my lips at niyakap ang batok ko.




Our kiss was slow and ramdam ko talaga ang pagmamahal nito sa paraan ng paghalik niya. I felt her smile in between our kiss.




Hinapit ko ang bewang nito at unti-unting nagiging mapusok ang halik na pinagsasaluhan namin.




Nagsisimulang uminit ang pakiramdam ko at gumagala na ang kamay ko sa katawan niya. Bahagya siyang lumayo sa'kin at tinitigan ako sa mata.





"Why did you stop?" Nagtatakang tanong ko.





Pinadausdos niya ang daliri niya mula sa panga ko pababa sa dibdib ko. "Dito kana kaya matulog? Wala namang pasok bukas love."







Should I consider it?






"P-pero si Mama kas—" She placed her index finger on my lips to shut me up. "Tinawagan ko na si Tita at pumayag siya."






Lost Soul (GxG) [Completed]Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon