Claire's POV
The day has finally come! Ngayon ko siya balak kausapin tungkol sa kondisyon ko. At ngayon ko din malalaman kung nararapat pa nga ba akong manatili sa kanya.
Kahapon kami nakauwi galing sa bakasyon and di ko muna sinabi sa kanya dahil kailangan pa namin magpahinga.
Eto nga at papunta ako sa bahay nila ngayon. Binilisan ko ang pagpedal sa bike ko dahil alas 2 na ng hapon.
Pagkarating ko ay agad ako pinapasok ng guards at iniwan ko ang bike ko malapit sa garage nila. Bigla nalang kumabog ang dibdib ko sa kaba lalo na't nandito na ako sa bahay nila.
Naabutan ko siyang busy sa cellphone niya sa living room at hindi man lang nito namalayan na pumasok ako. Tumikhim ako para makuha ang atensyon nito and yun nga napalingon siya sakin at agad tumayo para bigyan ako ng yakap.
"Nagugutom ka ba? Do you wa-"
"Hindi love. I'm okay. And hindi naman pagkain ang ipinunta ko dito." Bigla siyang napatigil and nervousness is written all over her face. Ako rin naman kinakabahan eh.
"Uh okay. Let's go to my room and we'll talk there." I nodded at agad na sumunod sa kanya papunta sa kwarto niya.
Habang papalapit kami sa kwarto niya ay siya namang paglakas ng tibok ng puso ko.
I'm finally taking the risk. I can do this!
Namamangha parin ako sa tuwing pumapasok sa kwarto niya. Ang ganda lang kase talaga. And it is well designed.
Naupo siya sa sofa at naupo din ako sa tapat niya. "So what are you going to tell me?" Straightforward na tanong niya.
Napapikit tuloy ako ng mariin at hinahanda ko ang sarili ko.
"A-ang ganda mo love." Sabi ko sabay awkward na tumawa.
She gave me a smile. "Thanks but seriously ano nga yun love? You can tell me."
I took a deep breath first before speaking. "I... I-i'm abnormal."
She looked confused right now. "Huh? What do you mean by that? Are you saying na abnormal ka because you like girls? You can't be serious." She said and shooked her head in disbelief.
"N-no hindi yan ang ibig kong sabihin love. I mean.. I'm not normal. I have um..You know..I have what boys have in between their legs."
Silence.....
Bigla nalang siyang napatawa ng malakas. Oh damn. Alam kong magandang pakinggan ang mga tawa niya but this is not the time for that.
Nakahawak pa siya sa tiyan niya habang tumatawa at medyo naluluha na din. "Love stop laughing please. I'm serious."
Pinunasan niya muna ang luha niya at hinarap ako ulit. Halata naman na natatawa parin siya pero pinipigilan niya lang.
"You really think that I would believe that? You're funny love hahaha."
"I'm serious. I'm an intersex nga kasi. I'm a girl but I have a...d-dick." Now she looks serious too.
"Ayaw ko naman ilihim sayo kaya habang maaga pa ay inamin ko na agad." I added.
"W-wow. I didn't know na may mga ganyang tao nga talaga." She whispered pero rinig ko parin mula dito. Nakahawak na siya ngayon sa noo niya at para bang pina-process pa ng utak niya ang mga nalaman.
"Yeah we exist. And um... I'll give you time to think about it. Kung nandidiri ka ay sabihin mo lang okay? Uuwi na'ko." Nakayuko parin siya at hindi man lang ako tinapunan ng tingin o sumagot man lang.
Agad na akong lumabas at nagmadaling umuwi. Habang nagpepedal ako ay siya namang paglabas ng mga luhang kanina ko pa pinipigilan.
I feel it now. It fucking hurts so bad. Iniisip ko pa lang na iiwan niya ako ay parang pinipiga na ang puso ko sa sakit.
Her reaction hurts me. No response is a response. I get it. Siguro nga ay wala talagang makakatanggap sa'kin dahil sa abnormal kong kondisyon.
Pagkauwi ko ng bahay ay agad akong umakyat sa kwarto ko at doon ko iniyak lahat. Ramdam ko talaga yung sakit eh.
I don't know what will happen next. Dapat siguro hindi ko muna sinabi no? But it will just make things worse kapag pinatagal ko pa.
I don't know anymore. My anxiety is kicking in right now. Para akong mababaliw sa dami ng iniisip ko.
'So what kung hindi ka niya matanggap? Hindi lang naman siya ang babae sa mundo.' Sabat ng isip ko.
With that ay agad akong bumangon para maghilamos. That's right!
Kung hindi niya ko kayang tanggapin edi hindi. Ayokong I-push ang sarili ko sa taong ayaw sa'kin. If she won't like me anymore then be it. I'm not wasting my tears anymore.
______________________________
It's been a week since my confession. A freaking week! And still no texts or calls from her.
I guess she already made up her mind. Should I start moving on now?
Pero hindi naman kami nag break diba? Wala siyang sinabi diba? Or umaasa lang talaga ako?
It still hurts but I can manage. I kept myself busy for a whole week. Sumama ako kay mama sa shop to help her and I hanged out with my bestfriend too. And it really helped.
I checked her social medias but there's no updates. I'm glad because hindi pa ako naka block sa kanya.
Every night ko namang tinitignan ang pictures namin sa cellphone ko. Our pictures in school, sa bahay nila, and nung nasa resort kami.
I admit that I miss her pero ayoko namang guluhin siya dahil siya mismo ang ayaw kumausap sa'kin. Di pa nga niya nase-seen yung last messages ko last week.
Ilang araw nalang ay balik eskwela na naman.
Bigla namang may kumatok sa kwarto ko and I know si Mama ito dahil kami lang naman ang nandito sa bahay today.
Nakasimangot akong bumangon para buksan ang pinto.
"Ma, sabing may ginagawa pa a—" Hindi ko na natapos ang reklamo ko dahil sa pagkabigla sa taong nakatayo ngayon sa harap ko.
Lynn!
Am I dreaming? Nagha-hallucinate na ba ako dahil sa pagkamiss sa kanya? No this is obviously real.
"Hi. Can I come in?"
-©
BINABASA MO ANG
Lost Soul (GxG) [Completed]
RomanceThis is my first time writing a story. This is a GxG story so if you're not comfortable then don't bother reading it. •Proper credits to the owners of the media used in this story. The characters in this book are entirely fictional. Any resemblance...
![Lost Soul (GxG) [Completed]](https://img.wattpad.com/cover/283403547-64-k347364.jpg)