Chapter 40

10.7K 228 131
                                        

Claire's POV



"Ms. Montecillo!"



Ba't parang ang ingay ata?



"Ms. Montecillo!"



Teka ako yun ah?



Agad na napatayo ako dahil sa lakas ng boses ng tumatawag sa'kin.



Para akong tinakasan ng dugo sa katawan nung makita kung sino ang taong nakatayo ngayon sa harap ko.



"S-Sir..."



Para na siyang kakain ng tao dahil sa galit.



"I don't remember giving you permission to sleep in my class, Montecillo." May diin na pahayag ni Sir Castro. Teacher namin sa Math.



"S-sorry sir. Di na po mauulit." Nakayuko kong sabi.



"Siguraduhin mo lang dahil sa susunod na mahuli kitang natutulog sa klase ko ay malalagot kana talaga sa'kin."



Napalunok pa ako dahil sa pagbabanta ni Sir.



"Y-yes sir."



Rinig ko pa yung mahihinang tawa ng mga kaklase ko. Fuck. Nakakahiya!



Tumalikod na si Sir at nagpatuloy sa kanyang discussion kaya umupo na ulit ako.



Ba't ba kase ako nakatulog? Naka-bingo tuloy ako hays.



Wala na akong choice kundi makinig kahit na wala akong maintindihan sa lesson ngayon. Hindi ko talaga gusto yung Math eh.



Isa na ata to sa nakakahiyang nangyari sa buong buhay ko. Ngayon lang kase ako napahiya ng ganun.



Napatingin naman ako sa katabi ko na busy makinig sa discussion. May katabi pala ako pero hindi man lang ako ginising. Tsk.



Naramdaman kong nag-vibrate yung cellphone ko sa bulsa kaya pasimple ko itong kinuha at siniguradong hindi mapapansin ng teacher namin.



I automatically smiled upon reading my girlfriend's name at the notification bar.
Agad kong in-open yung chat niya.



Lynn ❤️
Sa office tayo mag lunch ngayon ha?
I love you.



Me
Sige. I love you more.



I pressed 'send' tsaka ibinalik uli sa bulsa ko yung phone.



After a few minutes ay tumunog na din ang bell kaya agad na nagligpit ako ng gamit at tumayo.



Lalabas na sana ako nung maramdaman kong may humawak sa braso ko para pigilan ako.



Tinignan ko kung sino ito pero yung katabi ko lang pala. Napakunot tuloy yung noo ko habang nakatingin sa kanya.



Tumingala siya sa'kin bago nagsalita, "Sorry pala kanina."



Ah yung pinagalitan ako? Tsk. Ayoko na maalala.



"Okay lang. Pero sana ginising mo ako hahaha" Napapakamot sa batok kong sabi.



Kumunot ang noo niya sa sinabi ko. "Ginising naman kita ah? Sadyang ayaw mo lang magising. Para ka pa ngang binabangungot."



Ganun ba talaga kahimbing yung tulog ko? At ano daw? Binabangungot ako?



Lost Soul (GxG) [Completed]Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon