Claire's POV
Nakikinig lang ako sa usapan ng parents ni Lynn tsaka ni mama dito sa Van. Well more like 'biruan' nila.
We're on our way na kase sa resort na pagbabakasyonan daw namin. Nahirapan pa ako sa pagkumbinsi kay mama na sumama pero at the end ay napapayag ko din naman.
Now I can really say na mabait pala talaga ang parents ni Lynn. Napaka-humble nila kahit na mayaman sila. They're talking about their funny experiences nung high school days nila kaya napapangiti nalang din ako sa mga naririnig.
And Lynn is currently asleep in my shoulder. Mukhang puyat pa eh. Alas 4 ba naman ng umaga kami sinundo.
Buti naman at hindi sila katulad ng ibang parents na itatakwil na agad ang anak dahil sa kasarian nito.
Maya-maya pa ay huminto na ang sasakyan which means na nandito na kami!
"We're finally here!...And pakigising nga pala ang anak ko iha." Utos ni Tito at bumaba na ito para kunin ang mga gamit.
I gently tapped her cheek. "Love gising na andito na tayo uy." Pero umungol lang ito at halatang inaantok pa.
"Uy andito na nga tayo." Niyuyugyog ko na din siya and thanked God! Nagising na din siya.
Bahagya pa siyang kumurap-kurap at tsaka nag-inat.
She's really cute kahit bagong gising.
"Sorry love. Masakit ba ang balikat mo?" Nag-aalalang tanong niya while holding my shoulder.
Medyo nangangalay but it's fine.
"No I'm okay. Tara na, nauna na silang lahat dun eh." I held her hand at sabay na kaming bumaba.
Naabutan namin sila reception area.
"Are you two going to share a room?" Tanong ni Tito sa'min.
Nabigla naman ako sa tanong niya. Share a room? Okay lang naman sakin pero di ko alam dito sa kasama ko.
"A-ano hindi n-" Naputol ang sasabihin ko ng sumingit si Lynn. "Yes Dad we will." Nababahala tuloy akong napatingin sa kanya.
Seryoso ba siya? It would be hard for me kung makakasama ko siya sa kwarto. Okay lang naman sakin kung si Mama ang ka share ko but I shouldn't complain dahil sila naman ang nagbabayad.
"Okay here's your keys. Pwede na kayong maglibot-libot o magpahinga muna." Binigay ni Tita ang susi namin kay Lynn at umakyat muna kami lahat para ma check ang mga rooms.
"Nak tawagin mo'ko kung bababa kayo ah?"
"Sige ma." Pumasok na kami sa kwarto namin.
The room is quite huge. It has 2 beds din. Mula sa bintana ay makikita mo ang beach.
Agad akong nahiga sa kama at pinikit ang mata dahil sa pagod.
Naramdaman kong umupo si Lynn sa tabi ko. "Love are you tired?"
"Kinda." I sleepily said.
BINABASA MO ANG
Lost Soul (GxG) [Completed]
Любовные романыThis is my first time writing a story. This is a GxG story so if you're not comfortable then don't bother reading it. •Proper credits to the owners of the media used in this story. The characters in this book are entirely fictional. Any resemblance...
![Lost Soul (GxG) [Completed]](https://img.wattpad.com/cover/283403547-64-k347364.jpg)