Chapter 24

3.4K 122 9
                                    

Claire's POV


"Salamat po sa paghatid, Pa."






Tumango lang si Papa at nginitian ako. "Text mo lang ako kung magpapasundo ka."






"Sige po." Bumaba na ako ng kotse at pumasok sa University.






6:08 Am na kaya nagmadali akong tumakbo papunta sa classroom ko para buksan ito. Wala na akong oras para tumambay sa may puno.






May iilan nang nandito sa classroom pero kaunti parin.






Pumunta ako sa hallway at tinignan mula dito ang gate ng school. Inaabangan ko ang pagdating ni Lynn.






Pagkalipas ng ilang minutong paghihintay ay may humintong sasakyan sa tapat ng gate na ngayon ko lang nakita.






May bumabang lalaki mula sa driver's seat at umikot sa passenger seat para buksan ang pinto.






Nanlaki ang mata ko ng makitang bumaba ang girlfriend ko mula dito. Marami ring nakatingin sa kanila ngayon.






Talagang hinatid pa siya dito ah?






Naikuyom ko ang kamay ko matapos masaksihan ang paghalik niya sa pisngi ng lalaking kasama niya at nag-ngitian pa sila.






That guy doesn't look like a driver to me. I admit na may hitsura siya. Naka-uniform din siya but it's from a different school.





Hindi ko alam kung anong mararamdaman ko ngayon. Ayokong magalit ako sa girlfriend ko without letting her explain. Huminga muna ako ng malalim bago pumasok ulit sa classroom.





Kailangan ko na talaga siyang makausap mamaya.



_____________________________



"Love why are you ignoring me?" At talagang tinatanong niya ako niyan ha?





"Kumain muna tayo. Please." Diniinan ko talaga yung word na 'Please' kaya tumahimik na din siya at nagpatuloy kami sa pagkain.





Gutom lang talaga ako at isa pa, ayokong magkasagutan kami sa harap ng pagkain. Hindi ko pa naman alam kung paano ko siya kakausapin tungkol sa lalaki kanina.





Binilisan ko nalang ang pagkain at agad na nagligpit. Bigla naman siyang napatayo at nag-panic dahil hindi pa siya tapos kumain. "Tapusin mo muna yang kinakain mo. Dito lang ako."





Para naman siyang nakahinga ng maluwag kaya naupo ulit siya at nagpatuloy sa pagkain.





Habang kumakain siya ay hindi ko maiwasang hindi mapatitig sa magandang mukha nito.





Naiisip ko yung mga oras na magkasama kaming dalawa. Yung mga salita niya. Yung mga gestures niya. Yung paraan ng pagtingin niya sa'kin.





It's just.... It's impossible na magloko siya sa relasyon namin. She's too pure and precious to me. And I trust her.







Hindi ko dapat siya pinag-iisipan ng kung ano-ano.






Bakit ko ba naisip na lolokohin niya ako? I'm so stupid.






I'm sorry kung pinagdudahan kita, Love.






Lost Soul (GxG) [Completed]Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon