Claire's POV
I'm currently taking a walk here at the park at nagmumuni muni lang. Well marami akong iniisip na mga bagay² sa buhay.
Minsan ba natanong niyo na sa sarili niyo kung ano talaga ang purpose niyo dito sa mundo?
Why we are born? Bakit pinanganak tayong ganyan o ganito?
Kung ano bang nag aantay sa atin sa hinaharap? What will you do after you graduate from college? Find a job of course pero aside from that?
Magpapayaman? Magpapamilya? Ano pa?
Naiinggit ako sa mga taong alam ang gusto nila sa buhay. Yung mga taong alam kung anong daan ang tatahakin nila. Yung mga taong alam na kung anong purpose nila dito.
Kase ako? I don't know.
I'm totally clueless. I'm scared what the future holds. I'm just simply surviving. Para akong walking zombie. Buhay nga pero di naman alam kung saan patungo. Yun bang go with the flow na lang ako sa buhay.
Minsan nga napapatanong nalang ako kung talaga bang nakaukit na ang mga tadhana natin gaya ng sabi nila.
Ayokong maniwala dyan kase sa tingin ko ay nakadepende ang tadhana natin sa bawat desisyong gagawin natin.
Di ko na alam.
Napaupo ako sa isang bench sa park and let out a deep sigh.
Alas 3 na pala ng hapon at madaming tao ngayon dito especially mga bata.
Bigla namang tumunog ang cellphone ko at eto na nga tumatawag na si mama at pinapauwi nako.
Kainis naman oh! Di pa ko tapos mag drama eh! No choice kundi ang umuwi hays. So nag commute ako pauwi kase di ko dala yung bike ko.
_____________________________
"Nak nagawa mo na ba mga assignments mo?" Tanong ni Mama habang kumakain.
"Syempre naman Ma! Andali lang nun eh." Natawa lang si Mama sa sinabi ko pero totoo naman na tapos ko na talaga yun.
"Mabuti naman. May pambaon ka pa ba?"
"Meron pa naman Ma. Alam mo namang minsan lang ako gumastos."
"Hay nakong bata ka! Wag kang matakot gumastos. Kumain ka ng kumain! Tignan mo, ampayat-payat mo tuloy!"
Di nalang ako sumagot dahil papunta na naman to sa sermon eh.
Hindi naman ako sobrang payat ah? Tama lang.
Minsan lang akong gumastos dahil nag-iipon ako. Sobra-sobrang kayod na ang ginagawa ni Mama kaya ayoko namang sayangin yung binibigay niyang pera. Pero naiintindihan ko yung point niya.
Pagkatapos naming kumain ay umakyat na ako sa kwarto ko at ini-stalk yung Facebook ng crush ko hanggang sa makatulog ako.
_____________________________
Maaga akong gumising today at nagmamadaling mag ayos ng sarili. Maaga pa naman pero ganun kase talaga ako early bird.
Pagbaba ko ay nakita ko si mama na nagluluto ng agahan. Kumuha nako ng plato at nagsandok ng pagkain. May mga nauna nang naluto eh.
"Ma di ka pa kakain?"
"Mauna kana at bilisan mo dyan baka ma late ka pa." sabi ni mama.
Kaya ayun nauna nako at nagmadaling umalis ng bahay.
By the way I'm Claire Johan Montecillo. 17 years old. First year College and taking Engineering. I'm Bisexual at tanggap yun ni mama kaya no problem.
And hindi pala kami mayaman okay? Average lang yung may nakakain 3x a day.
'Pagkarating ko sa school ay agad kong pinark ang bike ko at ni lock. Kaunti pa lang ang mga estudyante kase mag aala sais palang ng umaga at light blue pa ang langit.
Ang ganda talaga kapag ganitong oras ng umaga kase ang payapa ng lugar.
Pumunta na ako sa room at iniwan ang bag ko.
Then nag stand by ako sa hallway while listening to some good music at para abangan ang prinsesa ko. Si Lynn Warden.
Same naman kami ng course kaso different sections. Mas okay na yun para naman di ako ma distract sa klase diba?
Mga 30 minutes ata nung dumating na siya. Kita ko siya sa gate mula rito sa 3rd floor ng building namin.
Napangiti naman ako bigla nang masilayan ko siyang pumasok sa gate. Ang ganda niya talaga.
Ito ang naging daily routine ko tuwing may pasok. Aabangan siya sa pagpasok at paglabas ng campus. Di naman ako stalker okay? Nakikita ko lang talaga.
Pumasok na din ako sa classroom nang nakangiti pagkakita ko sa kanya na paakyat na ng building.
Normal na araw lang naman yung nangyari. Klase dito, klase doon hanggang sa mag uwian.
_____________________________
Pagkauwi ko ay pinuntahan ko agad ang bestfriend ko sa bahay nila. Si Sari. Siya lang ang bestfriend ko kaso we're taking different courses at different schools.
"Hoy! Manlibre ka naman dyan." Aya ko sabay akbay sa kanya.
"Che! Puro ka palibre wala kabang pera ha?" Singhal din niya kaya hinila ko na siya palabas para tumahimik.
Habang kumakain kami ay bigla siyang nagsalita.
"Oy alam mo ba?" Tanong niya.
"Syempre hindi." Plain kong sabi sa kanya at sinamaan ako ng tingin aba.
"Wag na nga lang" sabi niya at inirapan ako.
Attitude talaga tong babaeng to eh sarap itapon.
"Oo na eto na. Ano ba yun?" Tanong ko pa.
"May bago na akong boyfriend." Pabulong na sabi niya.
"Yan lang sasabihin mo?" Bored na tanong ko.
"Di ka man lang ba nabigla?"
"Hindi."
"Ansama mo talagang gago ka!" Sabi niya tsaka ako binatukan.
Ba't naman ako mabibigla? Halos kada buwan nalang siya may bagong boyfriend. Ewan ko nga kung bakit walang tumatagal sa kanya.
_____________________________
Eto na naman ako at napapaisip ng mga bagay tungkol sa buhay.
Bakit ganito ang buhay na meron ako? Bakit nga ba ako pinanganak? Di naman ako nagrereklamo. Nagtatanong lang.
Also, kami nalang palang dalawa ng mama ko ang magkasama sa buhay. Matagal na kaming iniwan ng magaling kong ama at pinagpalit sa iba. Wala na akong pake sa kanya pero di naman ako galit.
Si mama ay nagtatrabaho sa isang flower shop at sapat lang ang kinikita niya para samin at mga pangangailangan sa bahay.
Minsan lang akong gumala kase ayaw ko sa mga tao. Bahay at eskwelahan lang ako at no choice naman ako kundi makisama kapag nasa school.
Hindi din naman ako maldita okay? Ayoko lang talaga sa mga tao. Ayokong tumitingin sa mga mukha nila maliban nalang kay Lynn. Panonood ng anime at pagbabasa lang ang libangan ko.
-©
BINABASA MO ANG
Lost Soul (GxG) [Completed]
DragosteThis is my first time writing a story. This is a GxG story so if you're not comfortable then don't bother reading it. •Proper credits to the owners of the media used in this story. The characters in this book are entirely fictional. Any resemblance...
![Lost Soul (GxG) [Completed]](https://img.wattpad.com/cover/283403547-64-k347364.jpg)