Chapter 36..

3.9K 126 12
                                        

6 Years Later...


Lynn's POV



"Babe? Free ka ba this Saturday?" Tanong sa'kin ng girlfriend ko habang umiinom sa kape niya.




Napaisip tuloy ako sa schedule ko. "I'm not sure, why?"





"I just wanna take you on a date sana but if you're bus-" I immediately cut her off. "Alright it's a date! I'll make sure na free ako para sa date natin."





Napangiti siya sa sagot ko at agad na hinalikan ang pisngi ko. "Okay good. Let's have a date this Saturday."





"Sure! So, let's go? Baka ma-late tayo sa trabaho" Aya ko sa kanya pero kumunot lang ang noo nito.





"Babe naman! Tayo ang Boss kaya pwede tayong pumunta kahit kailan natin gusto. Pwede ding hindi na tayo puma-"





"Bahala ka dyan! Mauna na ako!" Agad kong kinuha ang bag ko at tuloy-tuloy na naglakad palabas.





"Kuya Oscar tara na po." Tawag ko sa personal driver ko at agad niya naman akong pinagbuksan ng pinto.




Pero bago pa ako makasakay ay narinig kong tinatawag ulit ako ng girlfriend ko. "Babe! Wait lang!"




"Oh? Kala ko ba di ka papasok?" Nakataas-kilay na tanong ko dito.




"Sorry na, joke lang naman kasi yun babe. At sasabay na din ako sayo." Nakalabing tugon niya kaya napailing-iling nalang ako.




"Oh pasok kana"




"Bat ako? Ikaw na! Ladies first diba?" Kumunot ang noo ko sa tanong niya.




"Eh bakit ikaw? Ha? Hindi ka ba lady? Ewan ko sayo" Inirapan ko siya at nauna nang sumakay sa kotse at sumunod naman ito.




Nakakahiya tuloy kay Kuya Oscar.




Chineck ko ang oras and 20 minutes nalang ay male-late na talaga ako. Ayoko pa naman ng late.




Boss ako kaya dapat akong maging role model ng mga empleyado ko. Hindi ako sanay na pumapasok ng late.




Naramdaman kong kinalabit ako ng katabi ko kaya sinamaan ko ito ng tingin. "Ano na naman?"




"Sorry na kasi babe. Joke lang po ulit yun." Sabi niya sabay yakap sa bewang ko.




"Hindi na ako natutuwa sa mga jokes mo ah. Konti nalang at masasakal na talaga kita." Pikon na sabi ko pero tinawanan lang niya ako.




"Sorry na nga. Love you."




"Love you."




Kahit na parang aso at pusa kami, mahal naman namin ang isa't-isa. Minsan sobrang sweet kami pero madalas ganito.




Almost 4 years na din kaming magkasintahan and hindi ko alam kung paano kami tumagal ng ganito.




"Andito na po tayo Mam." Singit ni Kuya Oscar kaya bumitaw na sa'kin si Sophie at bumaba na kami.




Pagpasok palang namin sa building ay sunod-sunod na pagbati agad ang natanggap namin mula sa mga empleyado kaya todo bati din kami pabalik.




Hindi naman kase kami yung tipo na strikto talaga. Pantay ang pagtrato namin sa lahat ng nandito. Balance din ang pagiging strikto namin.



Lost Soul (GxG) [Completed]Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon