Claire's POV
"So, what's your decision?" Tanong ni Papa kay Mama.
Andito kami ngayon sa sala at nakaupo. Ngayon natapos yung 1 week na sinabi ni Papa kaya andito siya ngayon.
Kahit ako ay hindi ko alam ang magiging desisyon ni Mama dahil hindi na ako nakialam pa.
Napahinga muna ng malalim si Mama bago ito sumagot.
"P-pumapayag na ako Wil, para na din sa anak natin. At sana hindi na maulit pa ang ginawa mo dati." Nakapikit na sagot ni Mama.
So, this means...
Biglang napatayo si Papa at agad na niyakap si Mama. "Talaga?!! Yessss!!! Hindi na yun mauulit Clara, pangako yan. Salamat at binigyan mo pa ako ng isang pagkakataon." Tinapik lang ni Mama ang likod ni Papa as a response.
Nagbaling naman ng tingin sa'kin si Papa. "Claire anak, okay lang ba sayo?"
"Kung yun ang sagot ni Mama ay ganun din po ang akin Pa." Napangiti ito sa sagot ko.
"Simula bukas ay dun na kayo titira sa bahay ko. Sa bahay natin. Kung okay lang sa inyo."
"Sige." Ang tanging sagot ni Mama. T-teka? Ambilis naman ata pumayag ni Mama? Marupok ba talaga siya pagdating sa tatay ko? Joke lang.
Wala na din akong choice kaya tumango na lang din ako.
"Susunduin ko kayo dito bukas ng tanghali kaya mag-empake na muna kayo ngayon."
Nauna na akong umakyat sa kwarto ko dahil mukhang may pag-uusapan pa sila.
Napasalampak agad ako sa kama ko dahil feeling ko ay tinatamad akong mag-empake.
Miss ko na ang girlfriend ko. 2 Days din akong hindi nakadalaw sa unit niya dahil madami akong projects na tinapos.
Kinuha ko ang cellphone ko at tinawagan si Lynn.
First attempt ko ay hindi niya sinagot kaya I called again. Second attempt pero hindi parin niya sinagot but her phone is ringing. Busy kaya siya? Pero sa ganitong oras ay dapat nasa unit lang siya eh at nanonood ng TV.
I tried calling her again for the third time and finally sinagot niya rin!
"Hello?"
"Kamusta ka dyan love?"
"Okay naman. Sorry pala kung di ko nasagot agad ang tawag mo love, I was in the shower." Ah kaya pala.
"No it's okay. Gusto lang talaga kitang kamustahin. And I miss you."
"Aww I miss you too love."
"Baka hindi ulit ako makapunta diyan today and tomorrow. May mga gagawin pa kase ako love."
"That's fine. Ingat ka lang lagi okay?"
"Of c—"
"Sino kausap mo baby?" I heard a man's voice in the background kaya napatigil ako sa pagsasalita.
The line went silent and feeling ko tinakpan muna ang speaker or something.
"I'll call you nalang next time." Pagkatapos niyang sabihin yun ay binabaan niya na ako ng telepono.
![](https://img.wattpad.com/cover/283403547-288-k347364.jpg)
BINABASA MO ANG
Lost Soul (GxG) [Completed]
RomansaThis is my first time writing a story. This is a GxG story so if you're not comfortable then don't bother reading it. •Proper credits to the owners of the media used in this story. The characters in this book are entirely fictional. Any resemblance...