Chapter 18

4.3K 141 3
                                        

Claire's POV



"Mauna kana kayang pumasok?"



"Nababaliw kana ba?! Sabay tayong pumunta dito kaya sabay din tayong papasok!" Bulyaw ni Sari sa'kin so I sighed in defeat.



Nandito kase kami sa harap ng bahay nila Lynn. It's her birthday today. Mga 10 minutes na kaming nagtutulakan dito kung sino ang unang papasok. Kinakabahan kase ako.




At the end ay nagsabay nalang kaming pumasok and my knees are slightly shaking. Hindi pa ako ready makasalamuha ng mga 'high-class people' maliban sa parents ni Lynn.




And I was right! Pagpasok palang namin ay bumungad agad sa harap ko ang mga naka dress at business suits na tao. They all look so classy. May mga hawak din silang baso ng wine at masayang nag-uusap usap.




Naramdaman ko ang medyo paghigpit ng kapit ni Sari sa braso ko kaya napatingin ako sa kanya. "Grabe ang sosyal ng mga tao dito." Mahinang bulong nito.




Agad kong inilibot ang mata ko para hanapin si Lynn. And to my surprise, she's there at this long table with a good-looking guy sitting right next to her. Nandun din ang parents niya at ibang mga negosyante.




Nagdadalawang-isip ako kung lalapitan ko ba siya o hindi.





Ayoko namang sumingit dahil baka may importante silang pinag-uusapan dun sa table na yun. So I just decided na kumuha nalang muna ng food habang naghihintay na matapos sila dun.




It's been 20 minutes pero tuloy pa din ang pag-uusap nila. I'm starting to get uncomfortable with this crowd. Naiilang na ako dahil minsan ay may mga napapatingin sa gawi ko.




I don't know what's running through their minds and I don't even want to know.



Si Sari ay umalis din para maglibot kasama yung guy na lumapit sa kanya kanina.




I texted Lynn na hihintayin ko nalang siya sa may Garden nila dahil di ko na makayanan ang mga tingin na ipinupukol nila sakin. I can't even look at their faces.



I'm closing my eyes habang nakaupo dito sa bench nila sa Garden. I'm starting to calm down now. Walang masyadong tao dito maliban sa mga gustong mag-yosi.



I feel tired already kahit na hindi pa naman ganun katagal since nung dumating kami dito.



Napamulat ako ng mata ng maramdaman kong may naupo sa tabi ko.




"Nasa loob ang party pero nandito ka sa labas. Why is that?"



Napatulala ako ng makita ang hitsura nito. W-woah! It's a beauty! And her angelic voice.



Tumawa siya ng mahina at nagsalita ulit.
"I know I'm pretty but answer my question first. Bakit ka nga nandito sa labas?"



Napakurap-kurap pa ako at tsaka natauhan. "U-uh a-ano....I-i —"




"Relax, ako lang to. Calm down okay? No need to stutter."




Who is she?




"U-uh, M-masyadong maraming tao sa loob kaya I decided na magpahangin muna dito."




"I see. Same pala tayo. And you looked gorgeous." She said and gave me a sweet smile.




I'm wearing a dress din naman kase. I'm still a girl, remember?




Napayuko ako because I feel flustered. "S-salamat. Ikaw din."



Lost Soul (GxG) [Completed]Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon