Chapter 30

3.9K 123 8
                                        

Lynn's POV


I've decided na sundan sila Sophie sa kung saan man sila papunta.



Huminto sila sa isang malaking bahay but not as big as ours. May kalayuan ang pwesto ko ngayon sa kanila but enough lang para makita ko kung ano mang mangyayari.




What's taking them so long? Bat hindi pa sila bumababa?




I'm getting impatient.




Finally ay bumaba na din si Johan. Wait...Si Johan lang ang bumaba?




Nakita kong pumasok na siya sa gate nung bahay and Sophie's car started to drive away too.




Ito kaya yung bagong address nila?





I'll check it next time nalang. For now, I need to talk to Sophie and clarify some things.





Nagsimula na din akong mag drive at sinundan siya. I don't like talking to her but this time it's different. Girlfriend ko na ang pinag-uusapan dito so I can't just sit here and watch her drift away from me.





I need to find out what's causing this.





She stopped at a restaurant and I saw her went inside kaya nag-park na din ako at pumasok sa loob.





Buti nalang at wala masyadong tao kaya madali ko lang siyang nahanap. Nandun siya last row nakaupo at busy sa kanyang cellphone and it seems like hinihintay niya yung order niya.





Naglakad ako palapit sa table niya at mukhang napansin niya din ako kaya nag-angat ito ng tingin.





She looks surprised and confused kaya agad siyang napatayo.





"L-Lynn... It's nice to see you here! Anong ginagawa mo dito?"





"Can we talk?" I need to get this done as soon as possible. "S-sure upo ka." Naupo na agad ako gaya ng sabi niya.





"Do you want to order or any—"





"No. I just wanna ask kung anong relasyon mo kay Johan and please tell me the truth."
Napakunot pa ang noo nito at tila ba parang nag-iisip kung sino ang tinutukoy ko.





"I mean si Claire. What's your relationship with her?" Hindi ko alam kung saan nanggagaling ang lakas ng loob kong tanungin siya ng diretsahan but I can't help it. Maybe dahil narin sa nararamdaman kong inis sa kanya.





"Oh si Claire pala...And to answer your question, we're just friends." Really huh?





"Then bakit kayo magkasama kanina?" I'm pretty sure na nagmumukha akong maldita right now even if I'm actually not.





Napangiti pa siya bago sumagot na para bang may magandang naalala. "Just a coincidence."





Napataas ang isang kilay ko sa sagot niya. I don't know if I'll believe her or not.





"You can go and ask her about it." She added.






"To be honest, hindi ko alam kung nagsasabi ka ng totoo o hindi but please stay away from her. Please lang." Parang may nakita pa akong sakit na dumaan sa mata niya for a second but I don't care.






Tumayo na ako at aalis na sana nang bigla niyang hawakan ang kamay ko para pigilan.






"Nakakamatay ang maling akala." Hinigit ko ang kamay ko palayo at tuloy-tuloy na naglakad palabas.






Lost Soul (GxG) [Completed]Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon