1- How To Change A Nerd's Life?

110 4 1
                                    


Jane's P.O.V.

Hanggang ngayon hindi pa rin ako makapaniwala. I got accepted sa Marven's High!!! Super dreamy pa rin ang pakiramdam ko, feeling ko ang lucky-lucky ko.

Ang sabi kasi sa percentage ng pumapasa sa Marven's Entrance Exams, dalawa lang daw estud'yante ang pumapasa sa buong bente kataong sumusubok na pumasok dun. Only one percent sa calculation, kaya ang mapasama sa acceptance ay lagpas sa pangarap ko!

"Ano ba, umayos ka naman." Inayos ko muli ang suot kong salamin sa mata. Nainis ako sa itim na bilog sa ilalim ng mata ko.

Bakit ngayon pa nagpakita 'tong eyebags na 'to?! First day ng school, bakit hindi nakisama?! Dapat maayos akong tignan!

Ngayon ang unang araw ko bilang Marven's Student. Ayaw kong magkameron ng kapintasan sa itsura dahil alam kong pagtitinginan ako ng tao ngayon. Sa pagkakaalam ko kasi, ako lang ang nagtatanging bagong lipat sa section namin, which is late na. Paniguradong maninibago sila sa akin. Balita ko pa naman med'yo kakaiba daw ang mga students dun.

Tinapik-tapik ko ang eyebags ko sa paghiling na sana mawala 'yun. Siguro nga't dapat pala humingi muna ako ng extended days para maglipat.

Dalawang araw pa lang ang nakakalipas mula nung lumipat ako. Nung natanggap ko ang pass at acceptance, naghanap kaagad ako ng malilipatan na apartment. Malayo ang tunay kong tinitirhan dito dahil sa ibang lugar ako noon nag-aaral. Palipat-lipat ako noon pa man. Kung saan puwede dun ako.

Kung alam ko lang na lalayo pala talaga ako, sana pala tinanggap ko ang limang araw ng availability days for absence ng school permit. Binigay ng school 'yun dahil bago nga ako, pero dahil sa excitement at takot na baka mahuli sa mga lectures, dalawang araw lang ang ginamit ko para maglipat. At eto nga ako ngayon, naiinis dahil sa puyat.

"Okay, isa na lang." Kinuha ko ang suklay upang magsuklay ulit. Kulot ang buhok ko at med'yo buhaghag.

Hindi ko alam kung namamalik-mata ba ako pero natayo ulit ang buhok ko kahit anong ayos pa ang gawin ko. Basta pag buhok ang pinag-usapan, lagi akong conscious. Isa na ata 'to sa insecurities ko.

Hindi kasi talaga ako kulot na kulot, mukhang parang hindi nga lang nagdidikit-dikit ang buhok ko. May time na sobrang ikot na ikot ang ibang hibla at may time na parang med'yo unat kumpara sa iba. Oh diba ang gulo? Kaya nga ang sama tignan.

Kumuha ako ng isang pang-ipit, nag-ipit ng pang-iisahan sa mababang pagkakatali. Mukha na akong magtitinda sa kanto.

Wala ng pag-asa 'tong buhok na ito.

Napagod na ako kakasuklay kaya tinapos ko kaagad ang paggayak at kinuha ang bag para sa school.

Walang ibang sakayan papuntang Marven's High kundi taxi kaya sumakay ako sa isa. Natural lang daw na sariling sasakyan ang puwedeng magdrive sa area ng school. May mga school bus sa nabasa ko sa hand book, pero para lang daw sa loob ng campus.

May mga 30 minutes bago ako makarating ng school at hindi ko inaasahang ang mga nababalitaan ko pala ay totoo.

Wala ngang problema ang mga tao dito pagpunta sa school, lahat sila may mga sari-sariling sasakyan.

Pagkababang-pagkababa ko, nakita ko kaagad ang karamihan ng mga estud'yanteng may katulad kong uniform.

Mga grupo-grupo ang lalaki, gayun din ang mga babae. May ibang bumbati at nagkakamustahan, ngunit parang lahat ay magkakakilala. Sabagay, kunti lang ang mga nag-aaral dito.

"Hi, my dear. How are you?" Saad ng isang babae na bumeso at yumakap pa sa isang babae.

May kalayuan sila sa harap ko pero hindi ko maiwasang tinignan kung paano sila mag-usap.

How To Be A Nerd To Troublemaker PrincessTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon