30- How The Nerd Is Discovered?

41 0 0
                                    


Jane's P.O.V.

Mabigat ang talukap ng mga mata ko. Pagabi na nang natapos namin ang group study kagabi. Tumagal at ang gulo nila Thea at Theo kahapon. Dumagdag pa si Carl na sigurista sa bawat explanation at sagot. Ayun, natusta ako.

"Tired?" Tanong ng katabi ko.

"Paano bang hindi, eh lahat ng brain cells ko nagamit kahapon."

Tumawa ito sa mababang tono. "I told you not to let them come along. Did you review at least?"

Natural, ikaw lang naman ang matalino dito.

Napaka-relax ni Alex. Kahit ata naubos ang oras namin sa pagtuturo sa tatlo, di na niya kailangan magreview.

"Kaya nga ako puyat." Pagbuntong hininga ko.

"There are your friends, I'm going first." Pagpapaalam nito.

Napunta ang tingin ko sa tinukoy niya. Naandun sila Laura at Thea sa labas ng classroom. Iniintay nila ako para maglunch ng sabay-sabay. Pati si Laura nadamay dahil sa kakulitan ni Thea.

"Parang lately ang close ninyo ni Alex." Sinakbit ni Thea ang kamay sa akin.

"Alex? That's his name?" Segunda ni Laura.

"Oo, Alex. Si Alex....ano nga ba? Oi, Thea. Ikaw na ang sumagot."

Bumagsak ang panga nito. "My gosh, Jane! Until now you don't know his whole name?!"

Simple akong umiling. I don't want to make it a big deal lalo na't alam kong may pagka-exaggerated siya minsan.

"Kaya nga ikaw na ang bahalang sumagot kay Laura."

"Nope, I don't want to! Ikaw ang laging kasama kaya dapat ikaw ang magpakilala kay L. She's a new student so be responsible to help her with people."

Ano naman ang connect kung lagi akong kasama ni Alex? Pangalan nga hindi ko alam.

"I don't mind. I'm just curious why he's always around. Isn't he's friends with the bully?" Blangkong akong tinignan ni Laura. Ang tinutukoy niya ay si Dare. Makuwento kasi si Thea kaya alam niya ang mga pinagdaanan ko.

"Yep, he is! But Alex is the good one. Don't let him be in the same level with Dare. Not with that evil one."

"Evil one? Thea, hindi ba't naandun din siya nang kamuntikan nang mahulog si Jane sa stage? Didn't he ran from the second floor down to the stage?"

"Naku L, baka guniguni mo lang. He ran there pero para lang silipan si Jane!"

Namula ako. Grabe talaga bunganga nitong si Thea.

"I helped you there too, but you called me Hayley. You mean Hayley Lynn Xena, right? Is she here?"

"No, I called you Hayley kasi hawig kayo sa likod. Hahaha," Nawala ang pagtawa nito. "But sadly, she's not a student here."

Inakbayan ko si Laura. Wala siyang ka-ide-ideya. "Tara na bago pa mapahaba ang kuwento niya."

"I know. I don't want to waste my whole lunch break hearing about Hayley is this and that."

Sabay kaming naglakad nang hindi pinapansin si Thea. Naiwanan ito sa likod.

Alam kong si Laura 'yung klase ng tao na seriyoso. Madalang rin magbago ang expresiyon niya. Pino ang paggalaw ngunit minsan tinataman din ng walang arte. L na ang tawag sa kaniya dito sa Marven's. May nickname code na rin siya. Samantalang ako, wala. Jane pa rin. Iba talaga pagmayaman.

Tumigil kami sa paglalakad dahil kay Mel. Kasama nito ang mga kaibigan, ngunit nang makita si Laura ay umirap lang. Matagal na niya akong parang iniintay nitong nakaraang mga araw simula ng naging tahimik ang pagitan namin ni Dare. Pero pagnakikita niya si Laura, parang natatakot siya.

How To Be A Nerd To Troublemaker PrincessTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon