35- How A Nerd Acts Like One?

36 0 0
                                    


Jane's P.O.V.

Wala dapat akong kaba ngayon. Pero dahil sa buwisit na gabing nakausap ko si Sam, nakagawa ako ng reckless action at naabutan pa ni Mr. Ramono on action.

Mabilis mag-accelerate ang inis ko kay Dare kaya nang banggitin niya ang about sa science lab ng basta-basta lang para maasar ako, talagang makukuha niya ang reaction na gusto niya. Hindi ako kilalang Hayley kung hindi ako may pagkakonting pikunin. Sobrang maigsi ang pasensiya ko. Nabawasan na ngunit pagdating kay Dare nawawala ang matagal kong pinigil na attitude.

Dati akong reckless, di iniisip kung ano ang mga consequences. Kung may nakita akong mali sa palagay ko at sariling opinion, ganun ko rin iso-solve sa sarili kong kakayanan. Fierce, violent, and agreessive. Iyan ang mga katangian ko dati. At pasiyensiyahan kami ng D.O. dahil nakita niya iyun, ulit.

"What on earth happened here?!" Sinuri ni Mr. Ramono ang gulong nagawa namin sa office. "I left only for ten minutes, only for ten minutes, and this is what I'll be seeing?! I thought there would be no fighting, what happened to your promise, Dare?!"

Galit na galit ang mukha nitong umuusok sa sobrang inis. Napakalabo ngang malinis ang office. Kung kanina madumi dahil sa mga nagkalat na papel, na dapat ay aayusin namin ni Dare—iba na ngayon. Mas magulo na at mas kalat. Parang inulan ang buong office ng mga papel. Ni hindi makita ang sahig. Buti hindi kami nakasira.

"Sir, it wasn't my fault! One word and she turned insane, causing this ruckus!" May talim na tinapunan ako ni Dare ng tingin habang kapit-kapit ang batok niya. "I thought we're okay, but she suddenly jumped on me over one word! Tsk', I can't believe it."

Pati siya galit. Masama ang natamo niya dahil hindi siya lumaban. Pauso siya eh gusto rin naman akong bawian kung hindi lang kaagad kami naabutan.

"Miss Cena, it seemed to appear that it's your fault. Why? Can you explain?" Madiin itong napahilot ng noo. "What did Dare said this time?"

"What?! My fault?! She jumped on me!" Galit na depensa nito.

"Tama ka, Sir. Hindi naman po ako ganun kababaw na tao pero nagcross the line po siya."

Alam kong exaggerated ang dating ng sentence ko but that's ninety percent part kung bakit ako nagalit.

"Seems a serious matter. Dare, what did you said?"

Tumangis ang panga niya. Katulad ng expresiyon noong nasa library, may uyam at pag-iling. Tila ba hindi siya makapaniwala na siya ang tinatanong ng D.O. at ako ang kinakampihan nito. Naniniwala talaga siyang kasalanan ko ang nangyari kanina at napapagbintangan na naman siya ngayon. Kinabahan ako.

Gaganti na naman siya.

Tama si Sam. Once na na-involve ako kay Dare, wala na akong takas para makalabas sa buhay niya. Iyun ang ibig sabihin ng pagiging target. Kung gaganti ako, laging may kapalit.

Flashback...

Hindi ko pinahalatang ginilid ang tingin para tignan ang katabi.

'Saan kaya ako dadalhin nitong Sam na ito?'

Kanina pa walang tigil ang sasakiyan, basta nagda-drive lang siya. May minsan sasabihin ngunit hindi ko pinapansin. Nakaka-kaba dahil lagpas thrity minutes na ang nakalipas ng laitin niya ako. Hindi ako komportable kung tatagal pa. Sinabihan pa niya akong hindi papapasukin bukas sa school.

"Have you had your dinner?" Pagbasag niya sa katahimikan.

"Kung gutom ka na, umuwi ka na."

Tumawa ito ng kaunti. "Of course, you haven't eaten. Fortunately, I haven't too. Can you afford to buy some foods tonight? Gutom na talaga ako, I won't wait if you can't."

How To Be A Nerd To Troublemaker PrincessTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon