53- How To Receive Nerd's Second Punishment?

18 0 0
                                    


Jane's P.O.V.

"If it's about Miss Cena being with the other boys," Napatigil si Mr. Ramono sa pagsasalita, umiling 'to ng kaunti. "Isn't that not your problem anymore Mr. Rebel? You two split a long time ago."

Eto na naman kami sa kuwentong ito. Hay naku po, wala akong balak sumagot sa nakakainis na tanong.

"Sir, it's a personal matter. Whether I react or not, it's not your concern. I own my feelings and myself." Matinding sagot ni Dare. Kanina pa siya sa pagsagot ng walang kuwentang imahinasiyon binibigay niya kay Mr. Ramono. Kung kaya kong sumuka, nagawa ko na. Masiydaong nakakadiri ang pinag-uusapan nila.

"But as I can see Miss Cena had already moved on. Am I right?"

Tumango ako ng malaki. May sumipa naman sa paa ko. I guess kailangan ko pang sumagot ng mas matindi. "Opo Sir, hindi naman po ganun kahirap magmove on sa kaniya—ow!"

Nilisikan ko ng tingin ang malakas na sumipa sa paa ko.

"She's heartless." Ganti nito na may kasamang di kaaya-ayang pag-irap.

"This is again about your life status, kahit saan ako tumingin it's where it begins. There's something in life we can't get, dapat malaman mo iyan Dare, lalo na dahil sa ibang klase ng buhay ka galing." Inipod ni Mr. Ramono ang umupan para lumapit sa computer. "Anyways, I won't be tackling this dahil personal niyong buhay 'yan, but remember the school is not for your affection display. For today, I need to remind the two of you for the task I have gave you. Wala pa kayong report na naiipasa? How was tutoring? Any progress?"

Nakalimutan ko na 'yan ah. Meron nga pala kaming pangako.

"Sir, wala pong progress. Hirap po kaming mag-usap, makakapagturo pa po kaya?" Drinamahan ko na. Ayaw kong masisi.

Tinuro ako ni Dare. "You heard her. She don't want to participate, how am I suppose to fulfill this task?"

This time ako naman ang sumipa sa kaniya. Ano 'to, sisihin niya ako?! Wala rin naman siyang pakielam!

"Sir, that wasn't true. Sinubukan ko po talaga, pero lagi po siyang paalis after school. Keso may lakad daw po sila ng kaibigan niya or family dinner, misan po may party daw. Kung ano-ano po ang excuse na ginagamit niya."

Ano, pagalingan kaming gumawa ng kuwento!

"What the hell are you saying?" Mabilis niyang pagtutol.

"Enough, tumigil kayong dalawa. Sumasakit ang ulo ko sa inyo." Litaw nga dahil nagtanggal pa ng salamin sa mata si Mr. Ramono at napasapo sa noo. Malalim rin ang pagbuntong hininga nito. "The two of you become the next hardest student that I dealt with."

Natahimik kami pareho ni Dare. Alam ko ang side na 'to ni Mr. Ramono. Tatamaan talaga kami.

"Another discipline sa inyo dahil wala kayong report, let this be a lesson. After lunch time, go to library and help there to clean shelves para sa buong hapon. If you don't report after dismissal, you have to do it again tomorrow until you learn to report. Are we all clear here?" Tinaasan niya kami ng kilay.

"Opo." Ako ang sumagot dahil sagad ang pride ng kasama ko kaya kahit pagtango ay mahirap.

Third Person's P.O.V.

Natapos ang lunch break, hindi bumalik sina Dare at Jane sa classroom. Pinag-usapan sila ng buong school dahil sa maliliit na inpormasiyon na nadinig ng iba, ngunit walang malisiya dahil ang akala ng lahat si Jane ang may kasalanan at pinagtanggol lang ni Dare ang kaniyang pinsan na si Mel. Kontrolado ni Mel ang usapan dahil siya daw ang biktima, at siyempre advantage kung siya ang kawawa at papanigan ng mga tao. Naiiling kakatawa si Sam.

How To Be A Nerd To Troublemaker PrincessTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon