25- How The Nerd Shaken Troubles?

47 0 0
                                    


Jane's P.O.V.

Sabi ko na nga ba mangyayari ito.

"Doll, you can order what you want." May ngising sinilip ako ni Dare sa pagbabasa niya ng menu.

Alam ko ang ngiting iyan. Natutuwa siya dahil sa price ng pagkain. Paano ba ako makaka-survive? Sa mamahaling resturant nila ako dinala, natural mahal. Bakit kasi sumama pa ako? Lahat sila mayayaman, walang usap-usap ang paggastos.

"Don't mind him, just order." Payong bulong ni Alex, binigyan niya ako ng menu.

Automatic namang nag-compute ang utak ko nang makita ang presiyo ng mga pagkain.

Higit 2, 560 ang price ng isang pagkain!

Ni hindi ko nga alam kung ano iyun at walang picture, tapos ang hirap pang basahin. Paano ako oorder?!

"I think you're looking at the appetizer, Doll." Mala-demoniyong ani ng lalaking nasa unahan ko.

Appetizer?! Sa ganun kalaking price?! Sa 300 lang busog na ako, sa 2,000 plus pa kaya?! Pang-ilang buwan ko nang pagkain ang 2,000! Sino ako para gumastos ng ganun kalaking pera sa isang araw para lang sa appetizer?! Hindi ko kaya ang resturant na ito!

"Bakit ako sumama dito?" Pumikit ako ng marami.

Gusto ko nang bitawan ang menu at tumakas, pero paano ang group report namin? Wala pa kaming nagagawa. Masasayang ang araw na ito kung aalis kaagad ako.

Hay, paano ako nito?

"Are you guys finished? Can we call the waiter now?" Tanong ni Sam, nakahalumbaba ito sa harap ko at nakangiti sa akin.

Kanina pa rin ito. Di siya nagsasalita pero kada imik, ako lagi ang tinatamaan. Siya talaga ang pinaka-ayaw ko sa lahat ng barkada nila. Kahit ngiti niya nakakalait. Expose na expose pa ang kayabangan sa buong pagka-tao. Siya kasi tignan palang naaasar na kaagad ako. And I know it's because alam niya kung anong meron siya kaya walang tanggi niyang ipapamukha sa lahat. Sa sama ng ugali niya, siya ang tipong parang magsusuot ng iisang mamahaling damit sa maraming araw para lang magyabang ng yaman.

"Wait, I'm still deciding!" Kabadong bigkas ni Thea, nagtaklob ulit siya ng menu sa mukha. Bumulong ito sa akin. "I don't know your food preference but you can order the same as mine. Do you want that?"

Walang buhay akong umiling. Sabi ko ayaw kong maging mukhang kawawa, pero anong nangyayari ngayon?

"I can help you order, what kind of dish you want ba? Do you like fish, meat or veggies? And will that be your main course or for the type of soup you want? Your appetizer could also not be a soup, there are a lot of choices." Patuloy pa siyang nagsalita about sa menu.

Sumasakit ang ulo ko sa mga mayayaman na ito!

Sa paghilot ko ng noo, nakita kong nakatingin pala sa akin si Dare. Nakatukod ang isang siko nito, nakapatong ang pisngi at may kagat labing nagpipigil ng tuwa. As usual, nakangisi pa rin. Enjoy na enjoy niya ang kahihiyanan ko. Ngumiti ako ng peke bago nag-irap. Mas natawa lamang ito.

"Doll, don't take your time too much. We're all hungry here."

"Dare, tama na." Saad ni Theo sa pagitan ng ngiti, umiwas ito ng tingin sa akin na 'kala mo hindi halata.

"I'll pay for your meal. I asked you out so I'll be in-charge to whatever your time exchange is." Desenteng pag-aalok ni Alex. "I can order for you too. We're ready."

Sa huli niyang sinabi, tinignan niya si Sam ng may isang linyang expresiyon sa labi. Nagdecide na siya sa pang sarili lamang dahil hindi niya inintay ang lahat, at sinenyasan na ang waiter. Kanina pa talaga sila tapos, dahil mga sanay na sanay nga, ngunit katulad ni Carl, hindi niya binababa ang menu para na rin siguro makisama sa akin. Pareha sila ni Thea na panay ang tingin para alamin kung tapos na ako.

How To Be A Nerd To Troublemaker PrincessTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon