22- How The Nerd Deals With Trouble?

55 0 0
                                    


Jane's P.O.V.

"That?" Pagturo ni Dare sa video na halatang wala sa sarili. "Sir, that is....that is because we're acually in love with each other."

Naputol ang pagkakatulala ko.

Anong sinasabi ng lalaking ito?!

"What do you mean, Mr. Rebel? You know there's more deeper consequences if you lie now."

"I know, I know, but I am not." Tinaas pa nito ang kamay niya. Cool na cool siya. Walang kaba. "But that is real. We actually had some history."

"Okay, care to elaborate." Madiin na napasapo ang teacher namin sa noo.

Nagpabalik-balik ang tingin ko sa dalawang lalaki. Hangga't di ako nagsasalita, hindi ako mapapahamak. Kung ayaw rin ni Dare na mapatawag ang mga magulang niya, malakas ang loob kong aayusin niya ito gamit ng mga kasinungalingan. Wala akong dapat gawin kundi ang tumahimik hanggang sa mabuo ang kasinungalingan niya. Wala akong sasabihin, siya na ang bahala.

Lumingon ako sa kaniya. Pinanlakihan niya ako ng mata sa pag-aabang sa participation ko, pero tahimik ko lang siyang tinanguan. Tinuon ko ang buong attensiyon sa kaniya, at malalim na nakinig.

"You're suppose to say something you know." Bulong niya na may halong inis.

Tumingin ako kay Mr. Ramono. "Sir, pakinggan po muna natin ang rason niya bago ako magsasalita. Puwede po ba iyun?"

Hindi kinig ang pinag-usapan namin sa video, kaya kung ano ang sasabihin niya, bahala na siyang magpatuloy.

"Okay, Dare will go first."

"What?! But isn't ladies should go first?!" May takot itong tumingin sa amin.

Ngumiti ng panandalian si Mr. Ramono. "No, not always. Be a man, Dare, kung pag-ibig nga 'tong pinag-uusapan natin."

Bumagsak ang mata ko sa binanggit niyang word. Umugong ang tenga ko. Oo, masakit sa pandinig. Sarcastic person si Mr. Ramono. Sinasagad niya ang inis ko kay Dare.

"Alright." Huminga muna ito ng malalim, nagsimulang gumalaw ang hand gestures niya. Peke itong ngumiti ng mabilis sa akin. "As I said, me and Jane had some history. It's our relationship, so Sir, because of personal privacy, I think there's no need to open and discuss how me and Jane met, as well as how we broke up. But yeah, we do have some history."

Maliit na tango lang ang naging suporta ko. Nainis siya lalo, at mas pinanlakihan ako ng mata. Nanatili akong tahimik.

"But you said earlier you're still in love?" Dagdag na tanong ulit ni Mr. Ramono.

Marahas ulit itong humugot ng hangin. This time lumaki ang mata niya sa akin ng gigil. "Yes, I said that."

Kahit siya napatungo sa sinabi. Ang sarap lang niyang panuorin habang nagpipilit na isalba ang sarili at the same time nilulubog ang pride sa sariling hukay. The more na magsinungaling siya, the more na palala ng palala ang magiging parusa. Binibilang kaya ni Mr. Ramono ang bawat sinasabi niya.

"How?"

Tumingala si Dare. Nag-aalab ang mata nitong lumalaban sa di matanggal at mapang-husgang titig ng teacher.

"Just look at the video! We won't kissed if we're not! Can you stop asking me?!"

Tumalon ang balikat ko sa gulat. Napaiwas ako ng tingin.

Ayaw kong maalala iyun.

"Okay, given that you two have history, and alright, you're still in love with each other. How come both of you harrashed and fought too?"

How To Be A Nerd To Troublemaker PrincessTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon