20- How The Nerd Disappeared?

62 1 0
                                        


Jane's P.O.V.

McKelly Marven? Siya ang anak ng owner ng school?!

All this time, itong lalaking kasama ko ang anak ng owner ng school?! Hindi ako makapaniwala. Nagtira ba ako ng kaaway sa tabi ko? Anong ginagawa niya all this time?

May mas malala pang isang katanungan ang tumatakbo sa isip ko: Kakampi ba siya ni Dare o hindi?

Sa lahat ng pagtulong niya sa akin, pakikipag-kuwentuhan, at lahat ng mga sinabi—lahat ba iyun ay planado para mas makilala niya ako bilang laruan ni Dare?

Umurong ako dahil sa rumaragasang katanugan. Ayaw kong mapalapit sa kaniya. Iniisip ko tuloy kung may nasabi ba ako na nagkataon sa mga araw na napahamak ako.

"McKelly Marven." Wala sa isip kong pag-uulit.

Sa pagkakatanda ko may kaibigan lagi sina Dare na binabanggit sa loob ng classroom. Kung hindi ako nagkakamali, may kulang sa kanila noong dumating ako. May wala daw silang kaibigan. At oo nga, nakilala ko si Kelly dito. Ang sabi niya noon, hindi pa dapat daw siya papasok dahil may permit siya.

Ngayong naisip ko na, simula noong dumating siya, hindi na nababanggit ni Dare ang last warning niya. Ang sabi din niya kay Mr. Ramono, di daw siya maki-kick out dahil may connection siya. At sa tingin ko alam ko na kung sino.

Tinutulungan ni Kelly na hindi matanggal sa school si Dare. Siya ang dahilan kung bakit ako naipit sa deal ni Mr. Ramono.

"Ja-ne, don't think about anything. I didn't plan to let this happened to you. I lend you my uniform because I thought it will help. I didn't know those girls will make a big deal out of this." Nawala ang ngiti niya sa ginawa kong pag-urong.

Hindi plano? Ibig sabihin may iba pa siyang plano?

Imposibleng hindi niya alam na puwede itong mangyari. Kung alam ko lang na hindi pala ang school ang tinutukoy sa likod ko, at apilyedo pala niya, hindi ko na ito tinangka pang nilagay sa locker ko.

"You're wrong. Hindi ko gustong gamitin ang gamit mo. Wala akong planong suotin ito, nagkamali lang ako ng nakuha. Nawala sa isip ko na uniform mo ito. Ibabalik ko naman talaga." Nagmamadali kong idinahilan kaagad ang lahat.

Ayaw kong isipin niya na mahirap ako kaya ginamit ko ang gamit niya. Magkakatulad sila ni Dare, ginawa nila ito dahil alam nilang mahirap ang pinanggalingan ko.

"Ja-ne, I'm not thinking that. I didn't mean to." Mahina at mapag-alala nitong saad.

Hindi ko alam kung para saan pa ang acting niya. Mas naiinis lang ako.

"Ibabalik ko ang uniform mo. Wag kang mag-alala, sabihin mo ang gusto mong sabihin. Feel free to spread gossips too. Wala akong pake." Hinubad ko ang pang itaas kong suot at binato sa kaniya.

May panloob ako, white sando. Hindi talaga ako kabadong maghubad kahit sa harap pa niya, ang mahalaga ay naalis sa katawan ko ang damit niya. Wala akong nararamdamang lamig sa ihip ng hangin o kahit ano pang hiya. Wala akong pake at may tapang akong tatayo dito!

Hindi ko kailangan ng damit niya o kahit ano pang galing sa kahit na sino pa sa kanila! Sa totoo lang, okay na akong maalis dito kung magre-report siya dahil binato ko siya ng damit sa mukha. Tutal gagamitin din naman nila ang kakayanan ng pera nila, okay na sa akin ito.

"Ja-ne, it's not what it is—"

"Okay lang, ibinabalik ko na rin naman iyan. Salamat." Nakatungo akong tumakbo paalis.

Sobrang laki ng inis ko sa mga tao dito!

Alex's P.O.V.

"Are we okay? Are we all set?" Sam gave me thumbs up for a sign.

How To Be A Nerd To Troublemaker PrincessMga kuwentong kahuhumalingan mo. Tumuklas ngayon