10- How The Nerd Starts A Game?

67 1 0
                                    


Jane's P.O.V.

Basa pa rin ako at ang buong uniform ko. Wala akong pantuyo. Di ako makauwi dahil sa guardian pass. 'Yung ibang mga nakaaway ko, mga nasa bahay na. Sinundo sila ng driver o katulong. Kinausap sila ng Disciplinary Officer dahil malinaw na napagtulungan ako. Kita sa ibedensiya dahil sa pagkakabasa ng classroom namin at sa kalagayan ko. Hindi pa tiga-setion namin ang iba, kaya pilano. Med'yo seriyoso ang kaso nila sa school ngunit ayaw ko ng gulo kaya't nagsabi ako na sila na ang bahala sa punishment.

May natuklasan din ako. Kung pala sa ibang estud'yante iyun nangyari, puwede daw magpatawag ng magulang at magreklamo. Puwede palang magdrama dahil sa reputasyon nila. Buti at wala dito ang magulang ko, ayaw ko ng gulo. Pero ang paalala sa akin ay baka daw kausapin ako ng mga magulang ng mga kumaaway sa akin. Puwedeng sila ang humingi ng pormal na sorry sa akin o baka kabaliktaran, dahil sa pagma-maintain nila ng image.

Kung ano raw ang ginawa ng mga anak, iyun daw ay kailangan pagtakluban ng mga magulang para hindi maungkat pa sa mga susunod na panahon. Ang pananahimik ko ata at di pagkibo ngayon ay di pa rin sapat. Mga politika o may matataas na business image ang anak ng mga babaeng kumaaway sa akin kanina, ang sabi ng Officer, lagi daw ganun ang tugon at reaksiyon ng mga tao dito sa tuwing may ganitong eskandalo.

Ang hirap maging parte ng school na ito. Ako na ang nabiktima, ako pa ang natatakot na wag makasalubong ang mga magulang nila. Parang baliktad ata.

"Hay." Sumubo ulit ako ng isang kutiyarang pagkain.

Kain at fried chicken na may sauce ang tanghalian ko. May mga on-going class ngayon pero ayaw kong pumasok. Wala akong ibang mapuntahan at no chice dahil kailangan naandito ako sa loob ng school kaya naandito ako sa rooftop.

Siguro dito ako magpapalipas ng oras hangga't matapos ang buong maghapon at mag-uwian. Matutulog siguro ako at baka magbabad sa araw para matuyo. Hindi maganda ang ayos ko ngayon, nakakahiya kung may makakakita sa akin.

Tumutulo pa rin ng kaunti ang buhok ko. Ang bag ko naman ay isang buong magkakadikit na parang labahing damit. Mga papel at libro ang nasa loob, mahirap ng paghiwa-hiwalayin. Hindi ko pa naiisip kung paano aayusin ang lahat. Pinag-iisipan ko na ring bumili pero paano? At kung magkakabago ba ako, ano, pupunitin ba ulit nila?

"Hay." Bumuntong hininga ako at ngumuya.

Ginalaw-galaw ko ang nakabitin kong paa sa dulo ng kinakaupuan. Kumakain ako sa dulo nitong rooftop at nakatignin sa malayo. Walang view, mga building lang at puno. May ibon, ngunit sadiyang walang katingnin-tingin. Kusa lang talagang naandar ang malalalim kong pag-iisip kaya't nakatingala ako.

"Ang boring, maaaksaya ang oras ko dito." May tamlay kong tinignan ang kinakain ko.

"Don't worry, sasamahan kita para di ka mabored." Ani ng isang lalaki.

Nanlaki ang mata ko at nabigla sa pagsulpot niya sa tabi ko.

"Ah!" Kaagad kong tinakluban ang mga mata ko sa pagkagulat.

"Oi, teka! Teka!" Kinapitan niya ang kamay ko sa kabila ng pagpupumiglas ko. Mas lalo akong nanlaban.

Di ko siya nakita dito kanina kaya paanong may ibang tao?!

"Wait! Wait! Wag kang makulit, Miss! Baka mahulog ka!" Sigaw nito na nagpabalik sa akin sa katinuan. "Nasa dulo tayo ng building, baka malaglag ka!"

Parehas kaming napatingin sa puwedeng kalaglagan namin. Mataas at maraming floors ang agwat namin mula sa parking lot na nasa pinakang baba.

Kahit ayaw ko, huminahon ako sa pag-iisip na babagsak nga kami. Kahit ang paghampas ng hangin sa binti ko ay tumulong.

Mataas nga.

How To Be A Nerd To Troublemaker PrincessTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon