52- How's The Nerd's Return To D.O.?

15 0 0
                                    


Jane's P.O.V.

Nilalakad ko ngayon ang hallway papunta sa classroom. As expected, may news about sa akin. Lahat bukang bibig ang kuwentuhang bitbit mula kahapon.

"Jane!" Sumalubong si Thea. Nakabukas ang dalawang kamay nito at kamuntikan na akong matumba ng yapusin ako. May binulong siya. "What am I hearing about?! Naandito ka kahapon for practice?! Why?!"

Sabi na nga ba. Magtataka siya. Paano? Sasabihin ko ba ang plano ni Dare na sirain ang school?

"Napadaan ako kahapon dahil may kaibigan na nakakita sa akin. Hindi ako nakatanggi." Mahina akong napabuntong hininga.

"Talaga? Are you not always, you know, Jane?" Di niya siguradong tanong. Sumilip pa siya sa likod para alamin kung may ibang nakakakinig.

"Ah, oo. Most of the time ang mga gamit ko ay hindi para sa nerd."

"Don't say that here. Someone might here you." Biglang saad ni L sa likod. Bagsak ang mga mata nito. "Jane, you need to be careful. You know what happened at the pageant right? It's still unsolved."

Alam ko ang tinutukoy niya. May kaaway pa akong nagmamasid. Naiintindihan kong concern siya, pero nakaka-guilty dahil hindi nila alam ang ginagawa ko every weekends. Baka kasi sa mga party o paglabas ko bilang Hayley ako nagkameron ng kaaway. Hindi lingid sa kaalaman ko na marami ang naiinis at napipikon sa akin lalo sa mga yabangang pustahan. Buti hindi sila nakakasagap ng balita.

Mas lalong hindi ko tuloy masabi ang deal namin ni Dare. Nakakahiya, ang hirap mag-explain. Siguro tapusin ko na lang ng tahimik ang usapan namin bago ko sabihin sa kanila.

"What happened noong pageant?" Nakangiting sumunod ang tingin sa amin ni Thea nang tahimik kaming maglakad pareho ni L.

"You don't have to know it." Nilagpasan siya ni L. Ngumiti lang ako.

"Ang daya! Ano kasi?"

Nang makarating kami sa classroom, nagpaalam na si L. Kami naman ni Thea pumasok na. Nakapulupot ang kamay niya sa braso ko.

"Hayley played here?! That was surprising." Komento ni Sam.

Si Theo focus na focus sa usapan pero nung nakita kami, bumaling 'to at sumunod ng tingin. Hindi nasa akin ang tingin niya, na kay Thea. I'm sure 'yun din ang dahilan kung bakit nakangiti siya. Si Thea naman nagmamadali at hindi makatingin. Ramdam niya siguro kaya namumula ang pisngi niya ngayon. Nakakatawa ang dalawang 'to.

"Wow, she did that. She's very talented." Saad ng ibang nakatingin sa cellphone. Naging aware ako na may video pala kahapon.

Tahimik akong umupo. Naagaw ng pansin ko ang tahimik na lalaking hindi nakikihalubilo sa usapan sa likod. Nakahalukipkip ang dalawang kamay ni Dare sa tapat ng dibdib. Seriyoso at nang magtagpo ang tingin namin ay madiin niya akong pinukulan ng tinignan. Pagkatapos ng ilang sesgundo, tahimik siyang umiwas.

Anong problema nun?

Kahapon, tahimik niya akong inihatid. Ramdam ko ang inis niya sa buong oras ng biyahe, pero wala namang sinabi. Ang hirap basahin ng lalaking 'to.

"Class, the pageant is over. Let's get back to reality. We will have a long quiz for tomorrow, all reviews will be done today. The coverage are the last two previews chapters we tackled. It'll be a group study." Ani ng teacher.

Hindi tumagal ang ingay at napaltan ng seriyosong usapan ang buong classroom. Katulad ng dati, seriyoso ang lahat. Maagang nagsimula ang mga group na nakompleto. Ang grupo ko naman ay ngayon lang natawag. Si Thea, Theo, Alex, Dare at ako. Limahan per group. Ewan ko kung sinuwerte ako o minalas. Nagkameron kasi kaagad ng sariling mundo sina Thea at Theo. Sino naman ang kakausapin ko?

How To Be A Nerd To Troublemaker PrincessTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon