6- How Troubles Come To A Nerd?

79 0 0
                                    


Jane's P.O.V.

Gamit ng kanang kamay, pinindot-pindot ko ang aking ilong. Naaatching ako sa lamig at kakaibang amoy na nakapaligid sa akin.

"Oh, is the little girl going to sneeze?" Panloloko ni Dare.

Simula nang makaupo ako dito, di na niya ako tinantanan. Panay loko at pang-aasar. Nahihirapan na nga ako sa pagsusulat. Ang mga teachers namin hindi nagsasalita about sa asal na pinapakita nila. Nasa dulo kami kaya ata hindi sila mapagalitan, marami atang effort bago makapunta dito. May quizzes rin kami, at para sa akin kakaunting oras iyun para makahinga sa kalokohan niya.

"You have noodle hair. Yuck, what shampoo are you using?" May bahid na pandidiri ang kaniyang tono.

Tumawa ang mga kabarkada niya. Kanina naiirita pa ako, pero dahil hindi siya natigil, ako na rin ang sumuko. Katunayan nan, pagod ako. Ang daming nangyari sa restroom kanina.

'Yung apat na mga babae, may nakakita ng ginagawa nila. Nabasa din sila ngunit umuwi na lahat dahil pinasundo ng mga magulang. Pinagalitan rin sila ng Disciplinary Officer at nagkameron ng first attempt bullying. Ako ang victim.

Maigi na rin hindi ako ang mali. Sinabihan na ako ni Mr. Ramono na tumawag ng magulang or kahit sinong guardian, ngunit hindi puwede. Ayaw kong mang-abala ng ibang tao. Ang problema mahigpit ang pakataran ng school. Bawal daw silang magpalabas ng estud'yante hangga't walang permission galing sa guardian. Okay lang sa aking naandito. Di ako mauubusan ng gagawin. Makakabalik ako sa mga klase ko.

Kakapasok ko pa lang, hindi pa dapat ako magkameron ng absents. Marami pa akong kailangang habulin sa grades. Lalo na sa mga quizzes. Araw-araw meron kaya imposible sa akin ang mawala kahit pa isang araw.

"Hoy, marunong ka bang magsuklay? Mag-ayos? Ang dumi mo. Paano ka hindi sasabihan ng public student if you're like this? You look like one so that's what you'll get from others."

Hindi ko pinakinggan iyun. Nagpatuloy ako sa pagsusulat ng magiging assignment.

"Dare, give her a break. There are so many things to do today, do your stuffs first." Saad ng katabi ko, ni Carl.

"Too bad you missed today. Hahaha, you didn't score." Komento nung Sam sa likod. "There be a lot of competition out there. Mukhang hindi mo ata maki-keep ang toy mo."

Toy? Ako ba ang tinutukoy niya?

"Sam, isn't that too much? Basa pa siya oh. At least wait until she recovers today. Mamaya na 'yung kay Dare." Bulong nung Theo.

"Don't think that. I can have all days for sure. I know she'll soon be invisible to them in the following days. Alam niyo na, new student, bago sa paningin."

Napailing ako. Wala akong ideya kung paano malalagpasan ang school year. Kakatapos pa lamang ng problema ko kanina, may nagpla-plano na kaagad. Bakit ba ang daming may galit sa akin dito?

"Okay, that's it for today. Assignments are needed first thing in the class tomorrow. We'll check it. Then after that, we'll have our quiz about this topic. Be sure to study everyone!" Paalam ng guro namin.

"Hey," Mabilis na lumapit sa likod ko ang kanina pa nang-iinis na lalaki. Malawak ang ngisi nito. "Do you want a towel? You're still drench."

Bakit ko tatanggapin iyan?

Kanina pa niya inaalok iyan at alam kong nilagyan nila iyun ng chalk dust. Bumuntong hinginga ako. Mahirap siyang hindi pansinin pagwalang teacher.

"Hahaha, why so tense, Doll? Nakakaawa ka na kaagad wala pang seriyosong nangyayari. I thought you're better than this. Ano, puro salita ka lang? Hahaha."

How To Be A Nerd To Troublemaker PrincessTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon