12- How Nerd Got Her First Trip To D.O.?

60 0 0
                                    


Jane's P.O.V.

"Eto oh, puwede mo ipunas." Pag-aalok ko ng tissue sa babaeng kasama ko.

Nasa restroom kami para tuyuin siya. Hindi ito nagsasalita, nakatungo lamang habang inaayos ang suot na damit.

"Ah, no thanks. I got this already." Pinakita niya ang hawak na panyo.

Binawi ko ang tissue at nilagay ulit sa loob ng bag ko. Wala nga sa mukha niya ang gagamit nun. Mayaman rin ata siya. Nakasuot 'to ng kulay blue na crop top, high waisted skirt, heels, at may bag na kilala ang brand. Nakaayos ang buhok na kinulot, mahaba at may ipit. May mga bracelet at kuwintas din. Mayaman nga.

"May iba ka pa bang kasama? Sa tingin ko dapat tawagan mo na sila at papuntahin dito."

"Why? Do I need friends para makapag-emot? Ganun ba ang tingin mo?" May kunting taray nitong tanong.

Hindi na siya naiyak. Kahit ata kanina hindi rin, basa lang siguro ang mga mata dahil sa tubig. Nasa tono rin niya ang walang pakialam sa nangyari. Ang tanong ko lang, bakit ako ang pinagbubuntungan niya ng galit?

"Hindi sa ganun, pero alam kong pagnakita ka ulit nung mga iyun, baka gawin ulit nila 'yung ginawa nila sa'yo kanina."

Isa iyan sa mga natutunan ko kayna Dare, lagi silang may pahabol. Katulad nung nangyari sa akin sa parking lot, nakinig kong siya ang may plano nun. Kung di ko pa nakinig sa kaibigan niyang si Theo, hindi ko pa malalaman. Akala ko marami lang ang may ayaw sa akin pero iisa lang pala ang tunay kong kalaban all this time. Babawian ko talaga ang lalaking 'yun!

"Wait, you know them?" Tumigil siya at ngayon nasa akin ang attention. "How? You seemed not friends with them, and you did something to Dare, hindi mo ba alam na marami ang magagalit sa'yo?"

"Iyun ba? Wag kang mag-alala, matagal na silang may galit sa akin. Pero mali ang ginawa nila kaya paano ko matitiis? Magkakaaway talaga kami."

Tumango lamang ito nang hindi inaalis ang tingin sa akin. "You're right. Good for you, matapang ka. I like that. You're like an Ate."

Ate? Mukhang mas matanda pa nga ata siya sa akin. Walang halong lait, pero ang matured niya tignan. Mas matured pa siya kesa sa akin.

"What's your real relationship with Dare? Hindi lahat kayang gawin ang ginawa mo kanina. What's the deal with you and him? Do you happened to like each other then hate afterwards?"

Ngumiwi ako sa paglalagay niya ng lipstick.

Wag niyang sabihing gusto pa rin niya ang lalaking iyun.

Oo, nakinig ko ang confession niya kanina. Pero pagkatapos ng nangyari, ganito pa rin siya? Ano ba ang nakita niya sa lalaking iyun?

"By your expression you really hate him, why?" Sinilip niya ako sa salamin.

"Masama ang ugali niya at may ginawa siyang mali sa akin, pero mali ka. Hindi kami ganun katulad ng iniisip mo."

"So you don't like him? Kahit before?"

Pagod akong umiling. "Hindi, walang ganiyan. Kung bakit galit ako sa kaniya ay dahil may ginawa siya sa aking mali kahit hindi kami magkakilala pa."

"I heard that he's such a bully." Dagdag pa niya.

Bigla ko tuloy gustong itanong, 'Tapos nagutuhan mo?'

Napailing ako sa complicated niyang personality. Sabagay, ang gusto ng ibang babae ng bad boy na may twisted attitude and mind. Oo nga, bagay diyan si Dare. Sana soon makaranas din siya ng karma. Kung sa babae man? Bahala na. Basta sana ma-heart broken din siya dahil sa ginawa niya kanina. Hindi ko talaga pagsisi-sihan na binuhusan ko siya ng tubig.

How To Be A Nerd To Troublemaker PrincessTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon