50- How To Scare The Nerd?

20 0 0
                                    


Jane's P.O.V.

Inalog-alog ko ang aking ulo. Hindi puwede 'to! Wala akong maisip! Wala
akong matandaan kagabi!

Ano na Hayley?! Why are you with this guy?!

Pumikit ako ng madiin pero hindi, hindi siya nawawala! Nasa tabi ko pa rin ang natutulog niyang mukha! Kitang-kita ko pa rin ang wala niyang saplot na katawan!

"Sh*t." Mahina kong mura. Iba na ang damit ko! At nung tinaas ko ang kumot, may suot rin akong ibang short! Pang lalaki! What the hell?!

"Buwisit, wag kang hubad." Nagdasal ako. Gusto kong makita kung tama ang nasa isip ko kaya tatanggaling ko rin ang kumot niya. Nanginginig ang kamay ko pero bahala na. "Ay sh*t."

Hindi lang kamay ang nanginig sa akin kundi pati ang buong kalamnan. Nagmulat si Dare! Nagising siya. Mapupungay ang mga mata nito, naniningkit na parang inuuli ang tingin sa buong mukha ko. Naikuyom ko ang aking kamay na papalapit sana sa kaniya. Kinabahan ako, lalo na nung ngumiti siya.

"Doll—hmm." Pumikit ulit siya.

Bakit siya ganiyan?!

"Tsk', masamang panaginip." Umiling ako at umipod sa gilid ng kama para makaalis. Gising na ako pero ayaw kong aminin. Uuwi muna ako.

"Ugh..." Uminat siya. "Aren't you rude for leaving me here?"

Napatigil ako at pumikit ng madiin sa pagkakabato. Wag niya talagang sasabihing may ibang nangyari!

"Uuwi na ako." Lakas loob 'kong hinarap siya. Ayaw kong magmukhang takot dahil naniniwala pa rin akong imposible at walang talagang nangyari. Sa kaniya? Ewan ko. Masamang tao 'yan eh.

Gumuhit ang ngiti niya. Nagkusot pa ng mata bago umunat ulit. Dahil sa pagkakababa ng kumot, lumitaw ang hubad niyang katawan. Gumalaw ang muscles niya and I know sinadiya niyang ibaba pa ang kumot sa parte ng tiyan para ishowcase din ang abs. Ang yabang lang.

"What about breakfast?" Paghikab niya.

Breakfast?! Loko-loko ba siya, paano siya kampante sa situwasiyon namin ngayon?!

"Are you kidding me?" Inis kong tanong. Huminga ako ng malalim, ngunit di napigilan ang galit ko. Kumuha ako ng unan at binato sa kaniya ng buong lakas. "Are you kidding me?! Nasaan ako?!"

"Ow! Don't hit me!" Umilag siya at dumistansiya. Ngayon gising na talaga siya. Magkaparehas na rin kami ng expresiyon. "You're at my house! Doll, calm down!"

"Paano?!" Pumikit ako bago sumigaw. "—Hmmp!"

Tinakluban niya ang bibig ko. "Shhh, people will hear you!"

Tumigil ako but that doesn't mean mawawala ang galit ko. Ang pagka-irita ko abot hanggang langit! Sa tingin ko, hindi niya ako kaya ngayon. I'm in a bad position, wala siyang karapatang pakalmahin ako hangga't walang explanation! And I'm sure he knows how I'm feeling right now. Eye to eye kami ngayon. Kitang-kita niya ang galit sa buong mukha ko.

Ngunit hindi lang mata niya ang inabot sa paningin ko, bumaba ang mga mata ko sa hubad niyang dibdib. Grabe, nakakadiri!

His eyes widen. Alam niya ang susunod na mangyayari. "Shoot, don't shou—"

"Ahhh!!!" Mas sumigaw ako kaya diin niya ang kamay sa bunganga ko. Mas nandiri ako!

Ang kamay niya nasa bunganga ko!

"Sh*t! Doll, shut up! Calm down, nothing happened okay? Nothing happened between us." Mabilis niyang sabi. "You are in my bed because you drunk too much! Last night, you're drunk, insisting to go to Jason's f*cking friend. I didn't let you so I dragged you here."

How To Be A Nerd To Troublemaker PrincessTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon