49- How The Nerd Starts A Party?

20 0 0
                                    


Third Person's P.O.V.

Masaya si Hayley na yakapin ang sariling dating buhay—alive and free. Tuwing Saturday o Sunday ganito lagi ang buhay niya, masayang walang expectations sa iba kundi ang maging siya lang katulad ng dati. Walang pumipigil. Ito talaga ang dating siya. Isang reckless, happy-go-lucky, at lively na sakit sa ulo ng mga magulang. She's just everywhere. She doesn't like being controlled by the rules or anything that can stop her from wanting what she wants to do. This is how her blood awakes—by doing dangerous things.

"You scoundrel!" Napasigaw siya nang maitulak ng bagong kakilalang kaibigan pabalik sa pool.

May mga taong nadagganan sa pagbagsak niya. Nabalot ulit siya ng malamig na tubig at muling di huminga sa ilalim. May ibang tumulak sa kaniya marahil nabigla at gusto na rin umahon. Naiwan tuloy siya sa ilalim. Sumakit pa ang buto niya sa siko ng may natamang bagay, 'yung board ng drive-van. Naka-ahon lamang siya nang may kamay na humatak sa kaniya papataas.

"Wah!" Huminga kaagad siya ng mabilis. Habang pikit ang mata, hinampas niya ang tubig. "What a sh*tty move is that!"

Nagtawanan ang ibang mga tao. Ngunit kabaliktaran ang naramdaman niya nang naimulat ang mga mata, at nakita si Dare. Ito pala ang tumulong sa kaniya kaya pala sobra makatawa ang iba. Nasa itaas 'to ng pool at may talsik ng tubig sa t-shirt. Galit ang mga mata nito, nagulat sa sinabi niya. Di inakala ng binata na magmumura siya. Di nagtagal at ngumiti rin ito.

"That's dangerous, and I'm not the sh*tty person who befriend everyone to be fine in whatever they're doing." May dilim na humalo sa pagkakangiti nito.

"Tsk', I'm not talking about you." Pinasadahan ni Hayley ang mukha ng kamay para alisin ang patak ng tubiig na natira. Ginamit na rin niyang chance 'yun para hawiin ang kamay ni Dare na nakakapit sa kaniya. Hinarap niya ang tumulak sa kaniya kanina. Lumapit siya ng kunti doon bago hinatak 'to sa paa. Napailing si Dare.

"Ahh, Hayley don't!" Asik ng lalaki nang lumubog.

Tinawanan niya 'to ng kunti. Alam niya ang tactic na tumawa pagkatapos gumanti dahil baka akalain ng iba na pikon siya. Pikon ay talo, hindi puwedeng siya 'yun.

"You don't mess with Hayley." Natatawang babala ng isa.

May ilan pang kulitan at usapan ang tinakasan ni Hayley nang maka-ahon. Lingid sa kaalam niya kanina pa si Dare nakatitig. Di siya mawalan ng kasama kaya't nang mapansin na papaalis na ito ay sumunod ang lalaki.

"Where you going, Hayley? Party isn't over yet." Pigil ng kaibigan ni Jason nang makitang umalis siya. Di talaga naaalis ang attention sa dalaga.

"I'll get some drinks!" Sigaw niya habang nakatalikod at sinipa ang upuan na nakahara sa daan. She's not polite okay. People knows that already.

'This people should live individually. Sumasakit na ang ulo ko kakatawag nila.'

Piniga niya ang damit. She doesn't care kung may madudulas o kung mabasa man ang carpet sa loob ng bahay. Basta nauuhaw siya. Marami pa ang nadaanan niyang mga tao na bumati at nagpainom ng kunti sa kaniya. A little conversation do para makaalis siya. This is what she missed in her current life. All places she walked in treat her like she owns the house. Kay Jane, iba. Jane can't be welcome by anyone.

"Sumasakit ang ulo ko." Pikit niyang nilakad ang ref. Di na siya sanay ng gumagalaw kaya mabilis na siyang mapagod sa mga ganitong events. Sabog pa si Jason, ang hirap sabayan.

Bubuksan na niya sana ang ref nang may humatak sa bewang niya. Namulat siyang nakasandal na sa likod ng pinto. Kaagad lumisik ang mata niya kay Dare.

"What are you doing?" Mahina niyang tanong. Nasa likod sila ng pinto na pumapagitna sa dirty kitchen at sa main kitchen, di man lang nakasarado kaya't puwede silang makita. Marami pa naman nakatambay sa bukana ng kusina. "Ano ba?!"

How To Be A Nerd To Troublemaker PrincessTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon