"We're here." Anunsyo ni Samuel kaya't dali-dali akong bumaba ng sasakyan. Ilang beses kaming muntik ng mabangga dahil masyado akong nilalamon nang galit ko para kay Tamara. I received a video wherein Vina was crying while she was being hit by Tamara using baseball bat. Ramdam ko ang kagustuhan niyang protektahan ang anak namin ngunit hindi niya magawa dahil nakagapos sya. Sobra-sobra ang galit at awang nararamdaman ko habang nakikita ang mga pangyayari. Gustong-gusto kong daluhan si Vina ngunit wala akong magawa. Gustong-gusto ko syang yakapin pero hanggang ngayon ay heto ako at hinahanap sya.
Naikuyom ko ang aking kamay.
Papatayin ko talaga ang babaeng baliw na 'yon oras na makaharap ko sya. Wala na akong pakialam kung maging kriminal man ako basta maipaghiganti ko lang ang mag-ina ko.
"Sandali, Gene," pigil ni Samuel. Nilingon ko sya nang may pagtatakang tingin.
"Hindi tayo pwedeng basta na lang pumasok sa loob baka mga armadong tao ang naririyan," aniya.
"Wala akong pakialam kung puro sila may armas. Kukunin ko sa kanila si Vina at papatayin ko ang Tamara'ng 'yon. I am going to kill her hanggang sa pagsisihan n'yang sinaktan niya ang babaeng mahal ko," seryosong sagot ko sa kan'ya.
Hindi ko na siya hinintay na magsalita pa. Dire-diretso kong tinahak ang daan papasok. Sobrang tahimik sa loob na tila ba walang sino man ang naroroon. Nakapagtatakang wala man lang bantay na naroroon at bukas na bukas ang pinto. Dahan-dahan kong sinilip ang bawat silid na nakikita ko ngunit lahat ng ito ay walang tao. Umakyat ako sa ikalawang palapag at isa-isa ring binuksan ang mga pintong naroroon ngunit gaya sa mga nauna ay bigo akong makita si Vina. Muli akong bumaba hanggang sa madako ang aking tingin sa isang pinto na bahagyang nakaawang.
Dahan-dahan ko iyong nilapitan at sinilip. Isang bakanteng upuan na may bahid ng dugo ang natagpuan ko. Sa sulok ng silid ay naroroon ang nga lumang manekin na sira-sira na.
Galit na sinuntok ko ang pader nang paulit-ulit.
"Anong nangyari?" tanong ni Samuel mula sa aking likod.
"Wala na sila," nanlulumong sagot ko saka napaluhod sa sahig.
Hindi ko alam kung ano ng sitwasyon ni Vina, kung okay pa ba siya, kung ligtas pa rin ba sila ng anak namin. My poor unborn child, I hope he's okay.
"Baka hindi pa sila nakakalayo," aniya ngunit hindi ko siya pinansin.
Hinalughog kong mabuti ang bahay. Hindi ako mawawalan ng pag-asa na makakita namg pwedeng makapagtuturo sa akin kung nasaan si Vina. Hanggang sa mapansin ko ang sahig. Tila may butas ito na pwedeng daanan. Hindi ako nag-atubiling lapitan iyon. Naka-lock ito kaya't dagli akong humanap ng pupwedeng ipangbukas. Buti na lang may tubo sa malapit na siya kong ginamit para sirain ang padlock. Isang hagdan ang bumugad sa akin pababa. Nabuhayan ako ng loob. Maybe, they hide Vina here.
"Anong lugar ito? Nakakakilabot," narinig kong bulong ni Mr. Marquez. Yes, it's kinda creepy. Though, normal na manekin lang naman ang itsura nila pero bukod sa marami sila ay nakatago rin sila sa madilim na kwarto. Nakakakilabot talaga. 'Yung ibang manekin ay wala ng kamay o kaya paa. Ang malala pa, yung iba wala pang ulo. Kung nandito nga si Vina, paniguradong natakot siya.
'Babe, wait for me. I'll find you no matter what,' bulong ko sa aking isip habang dahan-dahang bumababa.
"Mr. Carbonel, may kaluskos akong naririnig dito," ani Mr. Marquez na siyang nauna na pala sa akin.
"Be careful. We don't know what danger awaits us," I reminded him. Tumango naman siya. Bitbit ang aking baril, dahan-dahan kong nilapitan ang mga pintong naroroon.
"Do you think nandito talaga siya?"
"I don't know. I'm not sure but I need to see it for myself."
BINABASA MO ANG
He Owned Me At Seven
General Fiction*COMPLETED Ang storyang ito ay patungkol sa batang lalaki na si Gene. Siya ay umibig kay Vina na mas matanda sa kaniya ng pitong taon. Sa edad na pito ay niligawan niya ang dalaga ngunit hindi nito sineryoso ang kanyang panliligaw sapagkat para dit...
