"Vina!"
Napalingon ako sa pinanggalingan ng boses. Mula sa kabilang kalsada ay nakita ko si JP na tumatakbo papalapit sa akin. Hindi ko siya pinansin at nagpatuloy na lang sa paglalakad. Nandito kasi ako sa mall para bumili ng isosoot sa Company year-end party ng CGC. Sa isang araw na iyon kaya kailangan ko ng maghanda.
"Vina, sandali!" Aniya habang hawak ang aking braso. "Can we talk?"
"Nagmamadali ako. Pasensya na." Seryoso kong sagot sa kanya saka sya nilagpasan pero agad rin syang humabol.
"Please? Kahit ilang minuto lang. I need to tell you something." Pakiusap nya pero nagkunwari akong walang narinig. As much as possible, ayaw ko muna syang makausap o makita man lang. Hindi pa ako handa. "Five minutes. Bibilisan ko lang. May gusto lang talaga akong sabihin."
"Whatever it is, just keep it. Hindi ako interesado." Sabi ko pero naging pursigido sya.
"I know, I was a jerk but you deserve to know this. Atleast, hear out my explanation."
"Matagal na 'yon, JP. Wala na akong paki." Sinubukan kong umalis pero pinigilan nya ulit ako. "Ano ba?!" Parang gusto ko syang sampalin pero pinigilan ko ang aking sarili. Ayokong makaagaw ng atensyon sa mga nasa mall. "Sinabi ng hindi ako interasado diba?!"
"I'm sorry." Aniya habang nakatungo.
Bahagya akong natigilan dahil sa sinabi nya. Ramdam ko ang pagsisisi nya ng binigkas nya ang mga salitang iyon. Hindi ko alam kung para saan ba ang sorry nya. Para ba sa pagpupumilit na makausap ako o sa nagawa niya dati. Kung alin man don, wala na akong paki.
Hindi ko na sya hinintay pang magsalita ulit. Basta na lang ako umalis not minding the people around us na nakasaksi sa pagsigaw ko sa kanya. Parang nawalan na ko ng ganang bumili ng costume. Gusto ko lang sa ngayon ay lisanin ang lugar na ito.
Parang bumalik ulit lahat ng sakit na naramdaman ko dati. Biglang bumalik yung tagpong nakita ko sa loob ng kwarto nya kung saan sila ng matalik kong kaibigan ay walang saplot at tanging kumot lang ang tumatabon sa hubad nilang katawan. Kapwa tulog marahil dala ng pagod pagkatapos magpakasarap sa katawan ng isa't-isa. Parang bumalik lahat ng puot at galit na kinikimkim ko mula pa noon.
Gaya rin ng dati, isa-isa na namang pumatak ang aking mga luha. Hindi na dapat ako umiiyak ngayon dahil matagal na 'yon pero di ko mapigilan. Alam ko sa sarili ko na nasasaktan ako. Alam ko sa sarili ko na hindi pa rin ako handang marinig ang kung ano mang sasabihin niya. Ayoko pa. Hindi ko pa kaya.
Gusto ko syang sumbatan at pagsasampalin ng paulit-ulit hanggang mamanhid ang palad ko. Gusto kong ipamukha sa kanya na mali ang ginawa nyang panloloko sa akin. Gusto kong isupalpal sa mukha nya kung gaano sya ka walang kwenta. Gusto kong isampal sa kanya kung sino ang sinayang nya. But then, I realized, para saan pa? Wala na akong pakialam sa kanya, sa kanila ni Mariel. They don't deserve my forgiveness. Hahayaan ko silang habang buhay na dalhin sa dibdib ang pagsisisi. Hindi ko sila mapapatawad.
Never.
Dahil tinatamad akong umuwi, naglakad lakad na lang ako sa park para magmuni-muni at magpahangin. Gusto kong iwaglit sa aking isipan ang naging tagpo kanina. Ayokong sayangin ang panahon ko sa walang kakwenta-kwentang bagay.
Tama na yung kanina. Hindi na ako ulit iiyak dahil sa kanila.
"The last time we met, ikaw simangot ngayon simangot ulit. Care to share?" Narinig kong sabi ng nasa likuran ko kaya naman dagli akong lumingon.
"Marvin!" Masayang wika ko ng makita ko syang nakatayo habang hawak ang dalawang ice cream sa kamay.
"Hi Vina." Aniya bago naupo sa aking tabi. "For you."
BINABASA MO ANG
He Owned Me At Seven
General Fiction*COMPLETED Ang storyang ito ay patungkol sa batang lalaki na si Gene. Siya ay umibig kay Vina na mas matanda sa kaniya ng pitong taon. Sa edad na pito ay niligawan niya ang dalaga ngunit hindi nito sineryoso ang kanyang panliligaw sapagkat para dit...